![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa isang pahayag ng Chadli Molintas Command (CMC) ng Bagong Hukbong Bayan sa Ilokos-Kordilyera nitong Hulyo 9, mariing kinundena nito ang sistematikong kampanyang paninira nina Arroyo at ng AFP at PNP sa Bagong Hukbong Bayan at pagsasabing ito ang nasa likod ng pagtatanim ng marijuana. Sa pamamagitan nito, sinisikap lamang ni Arroyo at ng AFP-PNP na pagtakpan ang pagkakasangkot ng AFP-PNP sa mga sindikato sa droga. Sinabi ng CMC na sa katunayan, ang mga plantasyon ng marijuana sa Benguet ay sinimulan ni Gen. Reynaldo Acop, dating hepe ng PNP Cordillera Regional Command at ipinagpapatuloy ng mga humalili sa kanya. Sa Kalinga naman, ang Cordillera People�s Liberation Army, isang pwersang paramilitar na pormal nang isinanib sa AFP, ang nagmamantine ng mga plantasyon. Ito ay lantad na lantad at mapatutunayan ng masa sa mga lugar na ito, anang CMC. Sa pambansang saklaw, iniulat mismo ng Presidential Task Force on Intelligence and Counter- intelligence na libu-libong pwersa ng AFP at PNP ang myembro ng 507 sindikato sa droga at ang mga upisyal-militar nila ay kumikita ng P50 bilyon taun-taon mula sa pagbebenta ng drogang kanilang nasasamsam at pagtatanggap ng protection money mula sa mga sindikato sa droga. Bukod sa hweteng, ang pangangalakal ng iligal na droga ang isa sa nangungunang pinagmumulan ng di maipaliwanag na yaman ng mga pinuno ng AFP at PNP. Anang CMC, hindi marijuana ang itinatanim ng BHB kundi rebolusyonaryong kamulatan at ang militanteng paggigiit ng mga demokratikong karapatan ng mamamayan. �Ang BHB ay isang disiplinadong hukbo. Kinasusuklaman at itinatakwil nito ang burgis na kabulukan, kabilang ang pag-abuso sa droga, sugal, prostitusyon at iba pang anti-sosyal na aktibidad na likas sa mga bulok na sistemang panlipunan tulad ng kapitalismo at sa mga malapyudal na lipunan tulad ng sa Pilipinas.� Sinabi rin ng CMC na sa mga lugar kung saan nagtatanim ng marijuana ang masa, inilulunsad ang masiglang kampanyang pang-edukasyon para iwanan ng masa ang ganoong praktika at para matutunan nilang rebolusyon at hindi pagtatanim ng marijuana ang solusyon sa kanilang kahirapan. Naglulunsad rin ang rebolusyonaryong kilusan ng rebolusyonaryong reporma sa lupa at iba�t ibang mga sosyo-ekonomikong programa para magkaroon ng alternatibong hanapbuhay ang mga magsasaka. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|