Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pagpapaigting ng pampulitikang interbensyon ng US sa bansa:
Paggamit sa prosesong pangkapayapaan

 Read this article in English

Kasabay ng interbensyong militar nito sa Mindanao, tuwiran na ngayong pinanghihimasukan ng imperyalismong US ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng rehimeng Arroyo. Para rito, ginagamit ng US ang ahensyang US Institute for Peace (USIP) upang makapagpadala ng mga ahente nito sa usapang pangkapayapaan at sa aktwal ay idirihe at kontrolin ang proseso. Ipinapakita nito ang mas garapal at mas malalim na tuwirang panghihimasok ng US sa sitwasyon at mga labanan sa Mindanao. Ibayong pinahihigpit ng US ang kontrol at impluwensya nito sa Mindanao lalupa�t nais nitong gamitin ang isla bilang isang forward base sa pandaigdigang �gera kontra-terorismo.�

Nitong Agosto, tahimik na dumating sa Pilipinas ang grupong magsisilbing mga "facilitator" sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at rehimeng Arroyo. Kabilang dito ang espesyal na envoy ng US para sa Middle East na si Gen. Anthony Zinni. Si Zinni ang ipinadala noon ni US Pres. George Bush sa Israel upang bitagin ang lumalabang mamamayang Palestino sa isang hungkag na pakikipag-usap sa mananakop at berdugong gubyerno ng Israel. Nagsilbi ring tagapamagitan si Zinni sa pagpapasuko sa mga militanteng pwersa sa Aceh, Indonesia sa berdugong militar ng Indonesia. Kasama ni Zinni sina dating Ambasador Richard Murphy ng US, Bise Pres. Harriet Hentges ng USIP at dating deputy chief of mission sa Manila na si Eugene Martin. Bahagi rin ng tim ng USIP sina Nicholas Platt, Stephen Bosworth at James Weisner, pawang mga dating ambasador ng US sa Pilipinas.

Partikular na layunin ng USIP na gamitin ang panlilinlang at panghihimasok upang idiskaril ang MILF at palambutin

ang lupa para sa kalauna�y pagtatayo ng kanilang base sa lugar nito. Naglaan ang kongreso ng US ng $50 milyong budget para rito. Ginagamit din ng US ang nakatakdang ipapasok na $30 milyong ayuda upang akitin ang MILF na pumirma sa isang pinal na �kasunduang pangkapayapaan�.

Ang USIP ay upisyal na ahensya ng gubyernong US. Itinayo ito ng gubyerno ng US noong 1984 at itinatalaga ng presidente nito ang board of directors. Malinaw ang maka-imperyalista, militarista at dulong-kanang oryentasyon nito. Pinamumunuan ito ngayon ni Richard Solomon, dating Assistant Secretary of State at ambasador ng US sa Pilipinas. Kabilang sa lupon ng mga direktor ng USIP ang mga kalihim ng State Department at Defense Department at ang presidente ng National Defense University ng US. Ang iba pa ay galing sa mga ahensyang paniktik at mga prente nito, iba�t ibang sangay ng militar ng US at iba�t ibang imperyalista at makakanang institusyon sa US.

Itinayo ito noon pang panahon ng Cold War bilang instrumento ng imperyalismong US para sa paghahasik ng Low-Intensity Conflict (LIC) sa mga lugar kung saan may mga rebolusyonaryong pakikibaka at para sa pagpapalawak ng kontrol at impluwensya nito kung saan wala pang mapagpasyang presensya ang US.

Sinasamantala ng US ang mga kaguluhan at pumapasok ito bilang kunwa�y tagapaghatid ng kapayapaan sa mga lugar na dating wala o mahina ang kontrol at impluwensya nito. Kabilang dito ang mga bayang independyente, mga dating saklaw ng Soviet Union noong panahon ng Cold War, mga bansang Islamiko, maraming ligalig na bansa sa Africa at iba pang mga bayan na mas malakas ang kontrol at impluwensya ng mga imperyalista sa Europe.

Nagpapadala ang USIP ng mga �eksperto� na magbibigay ng �payo� sa kondukta ng mga usapang pangkapayapaan. Kabilang sa mga lugar na tinutukan ng USIP ang Balkans, Angola, Ethiopia-Eritrea, Rwanda, Burundi, Congo-Zaire, Somalia, Sudan, Zimbabwe, Palestine, Afghanistan at Iraq. Pinapayuhan rin nito ang gubyernong US kung paano mapadadali ang panghihimasok at mapalalakas ang kontrol at impluwensya nito sa Middle East, Central Asia, South Asia, Southeast Asia at iba pang lugar na may malaking konsentrasyon ng mga Muslim. Isang taktika nito ang paggamit ng �diplomasya ng pamumwersa,� na walang iba kundi pambabraso sa mahihina at mga papet na gubyerno kapalit ang ayuda at pautang.

Ginamit ng gubyernong Bush ang mga teroristang atake noong Setyembre 11, 2001 upang itulak ang higit pang pampulitikang panghihimasok sa mga independyenteng bansa at yaong mayroong mga rebolusyonaryo o makabayang kilusan. Sa partikular, itinatag nito ang �Special Initiatives on the Muslim world� bilang bahagi at kaakibat ng �gera kontra-terorismo� upang pakialaman ang mga prosesong pampulitika sa mga bansang Muslim. Gumaganap din ito bilang propagandista ng armadong interbensyon at pananalakay ng US. Kabilang sa pinakahuling proyekto nito ang paglalabas ng mga �pananaliksik� tungkol sa pagiging �makatarungan� ng pananalakay sa Afghanistan at Iraq at hinggil sa ginagawang �rekonstruksyon� ngayon doon ng US.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Agosto 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tinatahak ng AFP ang landas ng kabiguan

Matinding korapsyon sa AFP
Ang garapal na pagpatay kay Jessica Chavez
Mga Ulat Koresponsal:
Pananaig ng rebolusyonaryong kilusan sa Southern Tagalog

Pagpapaigting ng pampulitikang interbensyon ng US sa bansa:
Paggamit sa prosesong pangkapayapaan
Tumitinding pakikibakang unyon sa SMC
Ka Bert Olalia�dakilang bayani ng uring manggagawa
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.