![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Patuloy na lumalakas ang pwersa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Mindanao at inaasahang lalagpasan pa nito ang mga nakamit nang tagumpay noong 2003. Ayon sa pahayag ng Komisyon sa Mindanao ng Partido Komunista ng Pilipinas nitong Marso 29, nakapagpalawak na ang BHB sa 2,000 baryo o sa 20% ng kabuuang 10,021 baryo ng Mindanao. Nakapakat na ang mga yunit gerilya ng BHB at mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa mahigit 200 lunsod at munisipalidad sa 19 prubinsya ng ikalawang pinakamalaking pulo sa bansa. Sa 128 larangang gerilya sa buong bansa, 39 nito ay nasa Mindanao.
Nasamsam mula sa mga inilunsad na ambus at reyd ang humigit-kumulang 200 malalakas na riple, bukod pa sa mga bala at kagamitang militar. Pinakamalaking bilang ang 92 ripleng nakumpiska sa armori ng PICOP noong Marso 2003. Ang mga sundalong nagsisimpatya sa rebolusyonaryong kilusan ay nakapag-ambag din ng mga armas at bala, tulad ng mga inentrega ng dalawang sundalo ng 29th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Agusan del Sur. Dahil sa pagdami ng mga organisadong komunidad, lumiit ang bilang ng mga depensibong aksyong kinasasangkutan ng mga yunit ng BHB. Sa mga pagkakataong napadepensiba ang mga Pulang mandirigma, maluwag silang nakamaniobra para talunin ang mas malalaking pormasyon ng kaaway at nakananaig kahit sa mahahabang labanan tulad ng nangyari sa New Bataan, Compostela Valley noong Hunyo 30. Labindalawang malalakas na armas ang nakumpiska at 10 sundalo ang napatay nang maagaw ng BHB ang inisyatiba sa isang umaatakeng platun ng 60th IB. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|