Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP:
Paghasa sa pasistang pangil ng rehimeng US-Estrada

 Read this article in English

Pag-upo pa lamang ni Lacson sa pwesto, agad niyang inilitaw ang kanyang pasistang pangil. Alinsunod sa direktiba ng kanyang among si Estrada, kagyat niyang pinalakas ang Philippine National Police (PNP) bilang pasistang instrumento laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Iniutos niya sa pulisya na patindihin ang mga kampanyang kontra-rebolusyonaryo, muling pinatampok at binigyang-katwiran ang mga ala-Kuratong Baleleng na pagsalbeyds at itinulak ang mga mapaniil na patakaran tulad ng national ID system.

Pinalakpakan ng naghaharing uri ang paghirang kay Lacson dahil tiwala silang ipagtatanggol niya ang kanilang mga interes. Gayunpaman, dahil sa tindi ng krisis sa pulitika, ang pagtalaga kay Lacson ay di maiiwasang magdulot ng ibayong pagkakabitak sa hanay ng PNP at ilang bahagi ng naghaharing uri.

Madugong rekord

Si Hen. Panfilo Lacson, 51, ay myembro ng Class of �71 ng Philippine Military Academy na kinabibilangan ngayon ng mga upisyal ng militar at pulisya na sinanay sa ilalim ng batas militar at yumakap, nagtanggol at nagtaguyod sa pasistang diktadurang Marcos. Matapos magsilbi sa Philippine Constabulary (PC) mula 1971, itinalaga siya sa berdugong Metrocom. Dito tumaas ang kanyang ranggo�mula tinyente patungong tinyente koronel. Limang taon din siya sa Military Intelligence and Security Group (MISG), pangunahing ahensya sa paniktik noong batas militar. Sa ilalim ng MISG, si Lacson ay naging direktang responsable sa pagtortyur sa mga kasapi ng rebolusyonaryong kilusan na binihag ng diktadura.

Mula sa Metrocom, itinalaga siya bilang pamprubinsyang kumander ng Isabela kung saan nakipagsabwatan siya sa malalaking konsesyunaryo ng iligal na pagtotroso.

Tahasang ipinagmamalaki ni Lacson na idolo niya si Kol. Rolando Abadilla na pusakal sa paglapastangan sa mga karapatang-tao at isa sa mga kinamumuhiang tauhan ng batas militar. Kaya nang itinalaga siya sa Cebu pagkatapos ng kanyang panahon sa Isabela, inihasik doon ni Lacson ang pasistang teror ayon sa turo ng kanyang idolong si Abadilla. Naging kumander din siya ng PC-INP at pinuno ng Metrodiscom dito mula 1987-90. Kilala si Lacson sa Cebu bilang promotor ng mga pagsalbeyds, malawakang militarisasyon, tortyur at pagbubuo at pagpapalaganap ng mga antikomunista at panatikong vigilante.

Itinalaga rin si Lacson sa Laguna noong Enero 1992. Siya ay naging kumander ng Task Force Habagat noong taon ding iyon. Dito lumakas ang mahigpit na ugnayan nila ni Estrada at ang kanilang sabwatan sa mga gawaing sindikato. Nang maging presidente si Estrada, itinalaga si Lacson bilang pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) bago siya naging hepe ng PNP.

Mga pasiklab at pasistang pakana

Sadyang walang saysay ang pagpapasiklab ni Lacson na kanyang patatalsikin sa PNP ang mga elementong kriminal at pag-iibayuhin ang kampanya laban sa kriminalidad.

Upang patunayan ang kanyang �determinasyon� na pawiin ang kriminalidad, binigyan ni Lacson ng publisidad ang paglutas sa isang maliit na kaso ng kidnapping, ang paghuli sa mga pipitsuging pulis na nangongotong sa mga motorista at ang pagbuwag sa �Padlock Gang� sa pamamagitan ng pagmasaker sa walong diumano�y kriminal. Ngunit pawang pasiklab lamang ang mga ito dahil si Lacson at ang iba pang upisyal ng militar at pulis ay pawang kasabwat ng, o namumuno mismo, sa mga pangunahing sindikatong kriminal. Ginagamit nila ang kanilang poder upang pangalagaan ang kanilang mga iligal na operasyon. Kung mayroon man siyang tutugisin, ito�y mga karibal na sindikato, mga elementong tumiwalag, nagbabalak magsarili o pinangangambahang magtraydor.

Ngunit lagpas sa antikrimeng pagpapasiklab, layunin ni Lacson na ilusot at gawing katanggaptanggap ang �vigilantismo��ang walang patumanggang paggamit ng kapangyarihan at dahas na hindi nahahangganan ng, at lumalapastangan maging, sa mga burges na prosesong hudisyal. Ito ang dagdag na panganib sa mamamayan ng pagtatalaga kay Lacson bilang hepe ng PNP na may mahabang rekord ng paggamit ng iligal na paraan tulad ng wiretapping, iligal na pag-aresto, pagbibimbin, pagtortyur at pagsalbeyds.

Tiyak na gagamitin ang mga pamamaraang ito para manmanan, takutin at supilin ang mga karibal ni Estrada sa pulitika at higit sa lahat, ang ligal na demokratikong kilusan sa kalunsuran sa estilo ng mga secret marshal sa panahon ng diktadurang Marcos (tingnan ang kaugnay na artikulo).

Kaugnay nito, muling nagpursige si Lacson na buhayin ang national ID system sa kabila ng pagtuligsa rito ng mga pwersang progresibo, organisasyong relihiyoso at mga grupong nagtatanggol sa mga karapatang sibil. Tiniyak din ni Lacson na madaragdagan nang 60% sa isang taon ang pondo para sa paniniktik ng PNP. Maglalaan din ng P100 milyon upang bumili ng bagong mga baril at sasakyan.

Mga maniobra ng tambalang Estrada-Lacson

Ang pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP ay nagresulta at magreresulta pa sa ibayong pagkakahati ng pulisya laluna sa hanay ng mga pangunahing upisyal nito.

Maraming upisyal ang demoralisado sa pag-angat ni Estrada sa ranggo ng kanyang paboritong super-pulis. Mayroon sanang 56 na kwalipikadong heneral sa militar at PNP na pwedeng pagpilian subalit sa kabila ng madungis na rekord ni Lacson, ang huli pa rin ang itinalagang hepe ng pulisya. Ito�y dahil talagang maasahan siya ni Estrada sa paniniktik sa mga kaaway niya sa pulitika at tinitiyak din niyang lubos na mapangangalagaan ang bahagi ni Estrada sa operasyon ng mga sindikatong kriminal.

Samantala, naipatapon na ni Lacson sa ibang lupalop ang kanyang mga personal na karibal. Halimbawa nito ay ang pagpapatapon kay Senior Supt. Eduardo Matillano sa PNP Eastern Visayas Regional Police Office Eight o PRO8. Si Kol. Reynaldo Beroya naman ay itinalaga sa Mindanao.

Tinitiyak din ng tambalang Estrada-Lacson na nasa kontrol pa rin nila ang PAOCTF nang sa gayon ay hawak pa rin nila ang pamumuno sa mga sindikatong kriminal sa droga, ismagling, hweteng at iba pang iligal na sugal.

Hindi na maitatago pa ang biyak-biyak na hanay ng mga naghaharing uri at ang paglala ng krisis sa pulitika. Partikular sa PNP, sina Estrada at Lacson mismo ay aminado na ang ahensya ay lubhang hati-hati. Patuloy sa pagaagawan ng kulimbat at teritoryo ng iba�t ibang paksyon ng mga sindikatong kriminal sa loob ng PNP kung saan mayor na bloke ang pangkating Estrada-Lacson. Ang mismong pagtatalaga kay Lacson ay tanda ng malalim na pagkakahati- hati ng pulisya.

Si Lacson ang hakbang ng rehimeng Estrada upang dagdagan ng bangis ang pasistang makinarya nito. Sa kasalukuyang postura ni Lacson, nakatitiyak ang rehimen na ang PNP ay mananatiling matibay na haligi ng pasismo sa bansa. Subalit hindi nito maaampat ang kasalukuyang krisis sa lipunan na siyang nagtutulak sa mamamayan upang lumaban.

 


Previous articleBack to topNext article

12 Nobyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Samantalahin ang krisis sa paghahari ng reaksyunaryong rehimeng Estrada

Editoryal:
Batiin ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo nang may kapasyahang paigtingin ang rebolusyon

Hinggil sa mga batayan at espesyal na taktikal na opensiba
Ang unos ng paglaban sa globalisasyon
Ang lumalawak na imperyo ni Lucio Tan
Sa pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP:
Paghasa sa pasistang pangil ng rehimeng US-Estrada
Tumitinding pasismo ng rehimeng US-Estrada
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Tungkol sa diumano�y malawakang pagrerekrut ng BHB ng mga mandirigmang bata

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ilang mahahalagang impormasyon

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Memorandum hinggil sa minimum na rekisitong edad para sa mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Pag-oorganisa ng mga bata sa kanayunan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang miserableng kalagayan ng mga manggagawang bata sa Pilipinas

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mga bata sa kanayunan

Hinggil sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya sa sarili
Malawakang pagkilos para sa karapatang-tao, idinaos
Ang moro-morong negosasyon sa pagitan ng rehimeng US-Estrada at pangkating Tabara-dela Cruz
Di makataong pagtrato kay Ka Parago, kinundena
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.