Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Paikut-ikot

 Read this article in English

Walang pinatutunguhan ang mga kaso ng pamilyang Marcos sa reaksyunaryong husgado

Ginugunita ngayon ng milyun-milyong mamamayan ang ika-31 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa Pilipinas. Tatlumpu't isang taon na ang

nakalilipas ngunit patuloy pa ring ipinagkakait sa libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang-tao ng diktadura ang bayad-pinsalang nararapat sa kanila at kanilang mga pamilya.

Nitong huling mga buwan, naging sentro ng matinding pagbatikos ang pagmamaniobra ng pamilyang Marcos, katuwang ang mga kakutsaba nila sa kongreso, na palabnawin ang panukalang magtitiyak sana na mababawi ng mga biktima ang nakaw na yaman ng diktador. Isa sa mga walang kahihiyang nakikipagkutsaba si Rep. Loretta Ann Rosales ng repormistang Akbayan na siyang pormal na naghapag ng panukalang ilaan ang nakaw na yaman ng mga Marcos hindi na lamang sa mga biktima ng diktadura kundi pati ng mga sumunod na rehimen.

Ang pagsasalubungang ito ng mga kontra-mamamayang interes ng pamilyang Marcos at ng mga repormista ay lalong nagpapalabo sa pag-asang mababawi ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos at makakamit ang hustisya para sa mga biktima ng pasistang diktadura sa malapit na hinaharap. Dagdag pa ito sa makupad na takbo ng mga kaso laban sa mga Marcos na maiuugat sa kawalang-kapasyahan ng reaksyunaryong gubyerno na ipursige ang pagbawi sa mga nakaw na yaman.

Wala ni isa sa mga rehimeng Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo ang seryosong nagsikap na ibalik sa bayan ang kinulimbat ng mga Marcos. Bagkus, hinadlangan pa ito ng magkakasunod na rehimen. Halos dalawang dekada na mula nang bumagsak ang diktadurang Marcos. Subalit halos wala pa ring iniuusad ang mga kasong isinampa ng gubyerno laban sa kanila.

Ilang kasong kriminal na laban sa mga Marcos ang pinawalang-saysay ng Ombudsman. Ilang mosyon na rin ang inihapag ng Ombudsman upang iurong ang ilan sa mga kasong nakasampa na sa korte. Ibinasura na ng Sandiganbayan ang ilan sa mga ito.

Sa ngayon, 11 kaso na ang naibasura, apat ang tumutungo sa pag-abswelto sa mga Marcos at walo pa ang kasalukuyang nakasampa. Noong 1993, nahatulang nagkasala si Imelda Marcos sa dalawang kaso, ngunit binaligtad rin ng Korte Suprema ang hatol noong 1998.

Apat na kasong isinampa noong 1995 kaugnay ng mga halagang itinago ng mga Marcos sa ilalim ng limang foundation bilang mga prente ang ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa kawalan umano ng ebidensya. Nang atasan ng korte na kalapin at ilabas ang kanilang mga ebidensya, �nagkasundo� ang Presidential Commission on Good Government, Department of Justice at Office of the Solicitor General na iurong na lamang ang tatlo sa mga kaso.

Habang patuloy ang paikut-ikot na palabas sa reaksyunaryong hukuman, buong kawalang-hiyaan namang pumasok ang gubyerno sa mga pakikipagtawaran sa pamilya ng yumaong diktador nitong mga nakaraang taon. Humantong na ang mga ito sa sarisaring kasunduang lingid sa kabatiran ng publiko. Tatlumpu�t pito nang mga compromise agreement ang nabuo sa pagitan ng reaksyunaryong gubyerno at mga Marcos, ayon sa PCGG noong 2001.

Patuloy din ang pagmamaniobra ng mga Marcos at kanilang mga kasabwat para mapanatili sa kanilang kontrol ang kanilang mga ninakaw. Noong Agosto 19, dumating sa bansa ang abugadong Swiss ng mga Marcos na si Patrick Foetish upang maghabol sa desisyon ng Korte Suprema na ilipat sa kontrol ng gubyerno ng Pilipinas ang $683 milyong deposito ng mga Marcos sa mga bangkong Swiss. Nito namang Setyembre 2, nagtagumpay ang kanilang mga abugado, kasabwat si Robert Swift, oportunistang abugado ng Claimants 1081, na idiskaril ang takbo ng kaso kaugnay ng mga paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng diktadura. Kinasabwat nila si Judge Manuel Real ng Hawaii US District Court na naglabas ng kautusang humahadlang sa implementasyon ng naturang desisyon ng Korte Suprema. Ang korteng Amerikano ring ito ang nag-utos noong 1994 na bayaran ng mga Marcos ang mga biktima.

Habang harap-harapan ang pagpapakainutil ng magkakasunod na rehimen at pagpapakana ng pamilyang Marcos, determinado ang mga demokratiko at progresibong pwersa na isulong ang laban para mapanagot sa hustisya ang mga kriminal. Hindi kailanman maaaring palampasin ang sabwatan ng mga pwersang anti-mamamayan na baligtarin ang hatol ng kasaysayan.

Subalit lampas sa ligal na larangan at walang katumbas na halaga ang hinihingi ng mga biktima. Sa kahuli-hulihan, tanging ang rebolusyonaryong kilusan ang puspusan at pinal na makapagpaparusa sa pamilyang Marcos at mga kroni nila.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Setyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Palakasin ang kilusang protesta laban sa korapsyon at rehimeng US-Arroyo

Ang mga haharapin ni Macapagal-Arroyo bago ang eleksyong 2004
GMA: Desperadong kumakapit sa poder
Tumitindi ang panunupil sa pamamahayag
Tumitinding panunupil:
Humahabang listahan ng mga biktima

Paikut-ikot
Ka Amado V. Hernandez:
Komunista, lider manggagawa, makata, nobelista at peryodista

Sa Ibayong Dagat:
Pulong ng WTO sa Cancun, bagsak

Sa Ibayong Dagat:
Mga protesta laban sa adyenda sa Cancun, tagumpay

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Tampok na mga opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.