Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga buladas ni Arroyo

 Read this article in English

Sinungaling. Mambobola. Ala-Imelda Marcos, pilit na pinagaganda ni Arroyo ang kalunus-lunos na katayuan ng ekonomya ng Pilipinas. Sa nakaraang mga araw, sunud-sunod ang kanyang mga deklarasyong hindi naghihirap ang sambayanan. Anu-ano pa kayang mga pang-iinsulto ang maibabato ni Gloria Arroyo sa ibayong nagugutom at naghihikahos na mamamayang Pilipino?

"Bibili ka ba ng cellcard kung di ka pa nakabibili ng bigas?," ani Arroyo. Ito ang kanyang patutsada sa mamamayan kaugnay sa nababalitang paglaki ng kantidad ng nainom na beer at gin at ng biniling pre-paid cellular phone card sa Pilipinas noong 2004. Batay ito sa lumaking benta ng San Miguel, Smart at Globe at sa isang hiwalay na sarbey na isinagawa ng AC Nielsen tungkol sa padron ng konsumo sa Pilipinas. Kahiya-hiya sa isang nagmamalaking "ekonomista" na palabasing ang isang listahan ng pinakamabentang mga produkto sa isang takdang panahon ay sukatan ng tunay na katayuan ng nakararaming mamamayan.

"Hindi naman pala ganoon kasama." Ito ang sinabi ni Arroyo sa larawan ng malawakang disempleyo sa Pilipinas matapos baguhin ng katulad niyang mga "ekonomista" ang batayang depinisyon ng kawalan ng trabaho. Ayon sa kanilang salamangka, yaong mga hindi naghahanap ng trabaho (kabilang ang milyun-milyong kababaihang nananatili sa bahay) ay hindi dapat ituring na walang trabaho. Sa isang iglap, nabawasan ng 1.2 milyong ang mga walang trabaho!

Sa buwang ito, binayaran ni Arroyo ang Social Weather Station upang palabasing nabawasan na ang bilang ng Pilipinong nagugutom. Mananatiling misteryo na lamang sa milyun-milyong pamilyang nagpapakasapat sa isang supot ng instant noodles tuwing kainan, kung saang lupalop niya hinugot ang ganitong kongklusyon.

Napakatapang ng apog ni Arroyo na mangalandakang "maluho" at "hindi naman pala naghihirap" ang mamamayang Pilipino samantalang sa ilalim ng kanyang rehimen sumirit ang presyo ng pagkain, mga serbisyo at mga produktong petrolyo�habang pilit pinagkakasya ang mga manggagawa at magsasaka sa mga mumo mula sa hapag ng bundat na mga burukratang mangungurakot at mapagsamantala. ~

 


Previous articleBack to topNext article

21 Enero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pamunuan ang nabubuong nagkakaisang prenteng anti-Arroyo!

Mga buladas ni Arroyo
Col. Sebastian, pusakal na pasista at war criminal, pinarusahan ng BHB
Rebolusyonaryong pagsulong sa Quezon
Pulang pagdiriwang
Kalagayan ng mga magbubukid at manggagawang bukid sa mga tubuhan ng Batangas
US Armed Forces, nakaunipormeng halimaw
Pasistang kontratista
Paghahanap ng WMD sa Iraq, itinigil na ng US
Karamihan sa mga Amerikano, tutol sa gerang agresyon sa Iraq
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Ilang tampok na taktikal na opensiba sa Mindanao

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.