|
|
Nitong Hunyo, tumaas ang tantos ng disempleyo sa US nang 6.4%, pinakamataas sa loob ng siyam na taon. Tanda ito na nagpapatuloy pa ang kasalukuyang resesyon ng imperyalistang ekonomya na nagsimula noon pang Marso 2001, taliwas sa matagal nang inaasam ng mga pinuno at negosyante sa US na muling makaaahon na ang ekonomya ng US simula 2003. Halos 9.4 milyong manggagawang Amerikano ang walang trabaho sa ngayon. Ang 2.7 milyon dito ay nawalan ng trabaho mula nang maging presidente ng US si George W. Bush noong umpisa ng 2001. Sa loob nitong huling tatlong buwan� mula Marso hanggang Hunyo� aabot sa isang milyong manggagawa ang natanggal sa kani-kanilang mga trabaho. Karamihan ng mga nasisante ay mula sa sektor ng manupaktura� salamin ng dumadausdos na produksyong industriyal ng bansa. Sa katunayan, umaabot na lamang sa 74.3% ang nagagamit na kapasidad ng mga pabrika sa US, pinakamababa sa loob ng 19 na taon. Maramihan din ang tanggalan sa mga kumpanya ng airlines at mga kumpanya sa �bagong ekonomya� tulad ng telekomunikasyon at internet. Ang ganitong kalaki at tuluy-tuloy na pagkawala ng trabaho sa US ay huling naganap noon pang 1980-83 at, mas maaga pa, noong 1956-58. Kaalinsabay nito, lalo ring lumalala ang depisit sa kalakalan ng US. Noong Mayo, umabot na sa $418 bilyon ang depisit sa balanse ng kalakalan dulot ng paghina ng eksport at paglaki ng halaga ng inaangkat na langis. Ang patakarang pang-ekonomya ng rehimeng Bush ay nagdudulot din ng papalaking depisit sa pambansang badyet. Nilustay ng rehimeng Bush ang dinatnan nitong $334 bilyong surplas ng gubyernong US at sa loob lamang ng tatlong taon ay humantong na ito sa netong depisit na $455 bilyon�nangangahulugan ng kabuuang aktwal na depisit na $789 bilyon. Kahit ang netong depisit na $455 bilyon ay pinakamalaki na sa buong kasaysayan ng US. Sanhi nitong papalalang depisit ang: 1) walang pakundangang paggastos sa militar at paglulunsad ng mga gera ng US at pagmamantine ng mga pwersang pang-okupasyon sa Iraq at, bago nito, sa Afghanistan; 2) pagpabor sa pinakamalalaking kumpanyang US sa pamamagitan ng pagkaltas sa binabayaran nilang buwis; at 3) malawakang tanggalan ng mga manggagawa at pagbawas sa subsidyo para sa mahihirap na nagreresulta sa pagkitid ng pamilihan at base ng nagbabayad ng buwis. Tinatayang umabot na sa $48 bilyon ang nagastos sa pagsalakay at pagsakop sa Iraq at nadaragdagan pa ng $5 bilyon kada buwan ang gastusin ng US para sa patuloy na okupasyon ng Afghanistan at Iraq para lamang sa taong ito. Nagkakahalaga naman ng $330 bilyon ang buwis na di na pinabayaran ni Bush sa malalaking kumpanyang ginawaran ng tax exemptions at tax breaks.
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|