Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Tunggalian sa Middle East

US at Israel, umaani ng malawak na pagkundena

 Read this article in English

Hindi na masikmura maging ng marami sa mga armadong pwersang Israeli ang kawalang-pakundangan ng kanilang gubyerno sa mamamayang Palestino. Noong Setyembre, 27 piloto ng Israeli Defense Forces ang sumuway sa utos ng kanilang mga upisyal na muling bombahin ang mga komunidad ng mga Palestino. Kinundena nila ang pagkamatay ng 100 sibilyang Palestino dulot ng pinakahuling pambobomba na isinagawa ng kanilang mga kasamahan. Bilang tugon, iginiit ng gubyernong Israeli na dapat silang tanggalin at kasuhan ng pag-aalsa at pagtulong sa mga terorista.

Bago ito, noong Setyembre 20 kinundena rin ng United Nations General Assembly ang plano ng gubyernong Israeli na sapilitang patalsikin si Yasser Arafat, presidente ng Palestinian Authority at pinuno ng Palestinian Liberation Organization. Umani rin ng malawak na pagkundena mula sa iba�t bahagi ng mundo ang pahayag ng ilang matataas na upisyal ng gubyerno at militar ng Israel na dapat patayin ang lider Palestino.

Lumalawak ngayon ang pagbatikos sa marahas na okupasyon ng Israel sa Palestine at sa tahasang pagsuporta rito ng imperyalismong US. Noong Setyembre 27, sabay-sabay na inilunsad sa iba�t ibang bansa ang malalaking kilos protesta. Aabot sa 123,000 ang nagrali sa iba�t ibang pangunahing syudad kabilang ang London kung saan mahigit 100,000 ang lumahok.

Sa kabila nito, patuloy ang pag-aastang maton ng Israel at ng amo nitong imperyalista. Nitong Oktubre 5, pinaulanan ng bomba ng mga tropang Israeli ang nayon ng Ain-as-Saheb sa Syria na tinitirhan ng mga Palestinong refugee. Pinamumugaran daw kasi ito ng mga terorista. Kamuhi-muhing ipinagtanggol pa ng US ang karumal-dumal na aksyon ng Israel.

Bago ito, ilang ulit nang nilalapastangan ng mga tropang US sa Iraq ang Syria sa pamamagitan ng pagpapalipad ng eroplano sa himpapawid ng bansa nang walang pahintulot. Dalawang sibilyang Syrian na rin ang namatay nang paputukan sila ng mga sundalong Amerikano habang tumatawid patungo sa Iraq para dumalaw sa kanilang mga kamag-anak. Ayon sa isang upisyal ng Syria, tila naghahamon ng gera ang US.

Samantala, upang pahupain ang galit ng mga Muslim laluna sa Middle East, kinomisyon ni Bush ang isang 13-kataong grupo na pinamunuan ni Edward P. Djerejian, dating ambasador ng US sa Israel at Syria, para alamin kung paano mapababango ang US sa harap ng mga Muslim.

Ayon sa ulat ni Djerejian nitong Oktubre 2, kailangang maging mas agresibo pa ang US sa pagpopropaganda sa mga bansang Muslim ang kalakhan ng populasyon. Subalit walang binanggit ang ulat tungkol sa mapagsamantala at mapang-aping mga patakaran ng US sa naturang mga bansa � ang pinag-uugatan ng nag-uumapaw na galit ng mga mamamayan dito laban sa US.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Oktubre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Gloria Macapagal-Arroyo, numero unong ipokrita

Igiit at ipagtanggol ang ligal at demokratikong pakikibaka ng mamamayan
Pagmasaker sa apat na aktibista sa Compostela Valley, mariing kinundena
Sa Ilocos-Cordillera
Mga kasinungalingan ng AFP, binatikos ng BHB

Milyun-milyong pisong nakawan sa PAGCOR
Lumalakas, lumalawak ang rebolusyonaryong unyonismo
Gera ng mga tribo at ang bodong sa Cordillera
Sa Ibayong Dagat:
Tunggalian sa Middle East

US at Israel, umaani ng malawak na pagkundena
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.