![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang sumusunod ay halaw sa ulat ng International Solidarity Movement (ISM) matapos ang fact-finding mission nito noong Hulyo 24-30 kaugnay ng katatapos na Balikatan 02-1 sa Basilan at Zamboanga. Maraming kaso ng paglabag sa karapatang tao ang ginawa ng mga tropa ng US at AFP na lumahok sa Balikatan 02-1. Pinakatampok na kaso ang pagbaril ng Amerikanong si Reggie Lane kay Buyong-buyong Isnijal na pinaghinalaang myembro ng Abu Sayyaf. Taliwas sa mga ulat ng AFP, walang dalang warrant of arrest ang mga sundalong sumalakay nang hatinggabi sa tahanan ng mga Isnijal. Bukod rito, paglabag sa terms of reference ng Balikatan ang presensya ng mga tropang Amerikano sa diumano�y operasyong pag-aresto.
Sumusunod ang iba pang kasong naitala ng ISM:
Hanggang ngayon ay wala pa ring pormal na kasong naisasampa laban sa kanila. Tinotortyur sila upang mapaaming mga myembro ng Abu Sayyaf. Magsasampa ng kaso ang ISM laban sa mga sundalong Amerikano na bumaril kay Isnijal. Maglulunsad ito ng kampanya para palayain ang mga inosenteng nakapiit at maglulunsad ng mga kilos-protesta laban sa pananalanta ng US sa buhay at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|