![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nakapangibabaw ang mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Nelson Mesina Command (NMC) ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isang depensiba sa Sityo Umangan, Barangay Balite, Pura, Tarlac. Naganap ang naturang labanan mula gabi ng Oktubre 10 hanggang Oktubre 11. Ito'y sa kabila ng isang laking-brigadang pwersa ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine National Police na nagkordon at sumuyod sa walong ektaryang tubuhang pinagkukublihan ng BHB. Hinulugan ng mga kaaway ng mga bomba mula sa helikopter, ginamitan ng mga tangke, masinggan at dalawang sniffing dog ang mga Pulang mandirigma subalit nalusutan pa rin sila ng mga ito.
Mahusay na nagamit ng mga gerilya ang may kaliitang tubuhan para makapagdepensa at makapagmaniobra. Sa unang bugso pa lamang ng putukan, nabuwal na ang tatlong tropa ng Scout Rangers. Dahil sa maagang pagbagsak ng moral ng kaaway, mabilis na naagaw ng BHB ang inisyatiba sa labanan. Makaraan ang 30 minuto, tinamaan at napatay ang kumander ng umaasolt na Scout Rangers. Bunga nito, lalong bumagsak ang diwa at kakayahang lumaban ng militar. Pagdating ng gabi, nakapagmaniobra sa pag-atras tungo sa baseng gerilya ang mga kasapi ng BHB. Nagamit nilang dagdag na kober ang malakas na buhos ng ulan upang makaalpas sa kordon ng kaaway. Sa kabilang banda, sumilong lamang ang mga bayarang tropa ng reaksyunaryong estado. Labis namang ikinagalit ng mamamayan ng Pura at mga karatig-lugar ang sapilitang pagpapabakwit sa kanila ng militar at ang iligal na pagpasok at panghahalughog ng mga sundalo at pulis sa kabahayan, pambobomba, paninira sa mga tubuhan at pagnanakaw ng pagkain. (Halaw sa Himagsik, rebolusyonaryong pahayagan ng Central Luzon) ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|