Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na kampanyang Kontra-usura, inilunsad sa Cagayan

 Read this article in English

Isang bungkos ng mga tagumpay ang naani mula sa pagkilos ng mga magsasaka laban sa mga panginoong maylupa at mga usurero sa Baggao, Cagayan. Umabot sa 2,400 pamilya sa 12 na barangay ng Baggao ang nakinabang sa kampanyang masang ito.

Naitulak ang mga usurero�t komersyante na pumirma sa isang kasunduan bilang pormal na pagsang-ayon sa iginigiit ng mga magsasaka na pagpapababa ng interes sa pautang at pag-alis sa iba pang paraan ng pagsasamantala sa bentahan ng produkto ng mga magsasaka. Naganap ang kumprontasyon sa barangay hall ng Centro Baggao noong Abril 8. Ito ang naging rurok ng walong buwang kampanyang masa. Pinamunuan ito ng CAGIMUNGAN, ang inter-munisipal na samahan ng mga magsasaka sa prubinsya ng Cagayan.

Mula sa dating interes na 50-60 kilo ng mais o palay sa bawat P1,000.00 na utang, naigiit ng mga magsasaka na ibaba ito sa 25 kilo. Bagamat sa susunod na anihan ng 2002 pa ito magsisimula, binawasan na nang 10 kilo ang interes sa kasalukuyang anihan.

Naigiit din ng mga magsasaka na hindi na sila oobligahing magbenta ng kanilang produkto sa pinag-utangan nila. Maaari na silang magbenta kahit sa ibang komersyante na nag-aalok ng mas mataas na presyo.

Kabilang din sa kasunduan ang pagtigil sa pagpapatong ng interes sa abono na inuutang ng mga magsasaka. Ipapautang na lamang ang abono batay sa umiiral na presyo sa merkado.

Hindi na rin magbabayad ng interes sa pautang sa panahon ng kalamidad at ititigil ang pagpapaaresto sa mga di nakabayad ng mga utang at ang pagkumpiska ng kanilang kalabaw at lupa.

Magiging regular ang inspeksyon sa mga timbangan ng mga komersyante para matiyak na walang daya sa mga ito. Susubaybayan din ang presyo ng pagbenta ng mais at palay sa mga bagsakan ng mga komersyante at dito ibabatay ang presyo ng pagbili sa produkto ng mga magsasaka.

Ang kumprontasyon sa pagitan ng mga lider magsasaka at mga komersyante-usurero ay sinabayan ng rali ng mahigit 600 magsasaka, hawak ang mga plakard na nagpapahayag ng kanilang mga kahilingan. Sinaksihan din ito ng mga upisyal ng bayan at barangay at mga taong simbahan.

Samantala, sa Baggao at iba pang bahagi ng silangang Cagayan, umaabante ang mga pakikibaka ng mga magsasaka para mapababa hanggang mapawi ang upa sa lupa at mapasakanila na ang mga sakahang matagal na nilang inuupahan, maibaba ang bayad sa patubig at maitaas ang presyo ng mga produkto. Kasabay ng mga ito, sumusulong ang tulungan ng mga magsasaka para sa pagpapaunlad ng kanilang produksyon at kalusugan.

Nagbunga rin ang mga kampanyang masa ng paglawak at konsolidasyon ng CAGIMUNGAN at pagpapaunlad ng ugnay sa mga panggitnang pwersa. Higit sa lahat, ang mga pakikibakang masa ay pinagmumulan ng masaganang ani ng mga gintong aral para sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagsusulong ng interes ng mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Rebolusyonaryong pakikibaka, pag-asa para sa tunay na repormang agraryo

VLT/DPS, punung-puno ng katiwalian
Mga Ulat Koresponsal:
Mahigit 11,000 magsasaka, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Hilagang Silangang Mindanao

Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na kampanyang Kontra-usura, inilunsad sa Cagayan
Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita:
Matabang lupa para sa rebolusyon

Guingona, pinatalsik sa DFA dahil sa pagkontra sa Balikatan
Panghihimasok militar ng US
US, niyayanig ng mga iskandalong pampinansya
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.