Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP

 Read this article in English

Sa harap ng papatinding interbensyong militar ng US, lalong lumalakas ang loob ng papet na rehimeng Macapagal-Arroyo na ipatupad ang makadayuhan at militaristang mga hakbangin. Kabilang sa mga �kaswalti� nito ang usapang pangkapayapaan kapwa sa NDFP at MILF.

Sa kaso ng NDFP, ikinategoryang �terorista� ng reaksyunaryong gubyerno ang PKP, BHB at si Kasamang Jose Ma. Sison, na labag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, ang kasunduang nagbibigay-katiyakan sa seguridad ng mga sangkot sa usapan. Kasabay nito, ikinampanya rin sa gubyernong US at mga gubyerno sa Europe na isama si Kasamang Sison at ang PKP at BHB sa listahan ng �foreign terrorist organizations.� Layunin nito na gipitin ang mga rebolusyonaryong pwersa upang pumayag ang mga ito na lumagda sa �final peace agreement� na walang ibang isinasaad kundi pagsasalong ng armas at pagsuko ng buong rebolusyonaryong kilusan.

Ang pagtanggi ng Malakanyang na bawiin ang pagkakategoryang terorista sa rebolusyonaryong kilusan at patuloy na paggigiit dito na sumuko sa halip na lutasin sa hapag ng negosasyon ang mga ugat ng gera sibil sa Pilipinas ang siyang sumasagka sa usapang pangkapayapaan. Idineklara ng Malakanyang ang walang taning na suspensyon ng usapang pangkapayapaan bilang hakbang sa tuluyang pagbabasura nito.

Halos ganito rin ang ginawang pagmamaniobra ng rehimen upang ibasura ang kasunduang tigil-putukan at usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Simula Pebrero 11, apat na araw na binugbog ng matitinding operasyong militar ang Liguasan Marsh sa North Cotabato at Maguindanao, labag sa umiiral na kasunduang tigil-putukan sa pagitan ng GRP at MILF.

Inilunsad ng AFP ang mga operasyon upang pwersahin ang MILF na tanggapin ang mga probisyon ng kasunduang inihanda ng rehimen sa balangkas din ng pagsuko ng MILF. Tulad sa NDFP, ipinataw ng GRP ang ultimatum sa MILF: kung hindi papayag ang MILF sa panukalang balangkas ng usapan, ituturing itong �terorista� at patitindihin ang mga atake laban dito. Sa harap ng gayong katinding pang-iinsulto at pagtalikod sa kasunduang tigil-putukan, idineklara ng MILF na tapos na ang usapang pangkapayaan at panahon na para sa gerilyang kontra-opensiba laban sa AFP.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.