![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isang lumang pakana ang muli na namang inihahain ng pasistang estado para linlangin at pakalmahin ang nag-aalsang mamamayan. Binuhay ng rehimeng Arroyo, kakutsaba ang mga reaksyunaryong institusyon at organisasyon sa Cordillera, ang mga "peace zone" o "sona ng kapayapaan" sa Mt. Province noong Nobyembre. Tinukoy nito ang pitong bayan bilang mga "peace zone"�Sabangan, Bauko, Tadian, Bontoc, Sadanga, Sagada at Besao. Ang mga "peace zone" ay mga lugar kung saan ipinagbabawal na pumasok ang pwersa ng Bagong Hukbong Bayan at kunwa'y pati ang mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines, upang mapairal diumano ang kapayapaan at maipagpatuloy ang mga
Sa aktwal, itinatayo ang mga "peace zone" upang mapalayas ang mga Pulang mandirigma laluna sa mga erya na may malalaking proyekto ang naghaharing uri gaya ng mga minahan, dam, logging at megaturismo. Layunin nitong sagkaan o pahinain ang rebolusyonaryong pagkilos, pagmumulat at pag-oorganisa sa mamamayan at maging "sona libre" ang naturang lugar para sa mga reaksyunaryo. Sa kabilang banda, pinahihintulutan ang AFP na libreng makapasok at maglunsad ng mga operasyong militar, magtayo ng mga detatsment at magrekrut ng CAFGU. Pinalalabas na �pahinga at aliw� lamang ang pakay ng mga sundalo ng AFP. Pinahintulutan din nitong pumasok at makapanlinlang sa mamamayan ang mga ahensya ng gubyerno at mga kontra-rebolusyonaryo at repormistang organisasyon at institusyon. Hindi kailanman umaalis sa "peace zone" ang Philippine National Police. Unang nagkaroon ng "peace zone" sa Cordillera noong panahon ng rehimeng US-Aquino. Kunwa'y namagitan noon sa labanan ng BHB at AFP ang Coalition for Peace, isang repormistang organisasyon ng mga sosyal-demokrata, ilang pulitiko at ilang konserbatibong taong-simbahan. Una itong ineksperimento sa Sagada, Mountain Province at sa Tabuk, Kalinga. Ngunit sandali lamang ay lubusang nabigo ang pakanang "peace zone.� Hindi nito nalutas ni bahagya ang mga dahilan ng kahirapan at pagsasamantala na siyang nagtutulak sa mamamayan na yakapin ang rebolusyon at ipagtanggol ang kanilang buhay, lupa at kabuhayan. Hindi ito kinilala ng BHB. Hindi nagpapigil ang mga kasama at tuluy-tuloy silang sinuportahan ng mamamayan doon. Dahil sa karanasang ito, hindi na bumwelo ang pakanang "peace zone" sa iba pang bahagi ng bansa. Ang pakanang "peace zone" ay tahasang panloloko para maging pasibo, mapakalma, mapatahimik at mapigilang lumaban ang mamamayan. Inilalako nito ang kalokohan na ang marahas na tunggalian ng mga uri ay maaaring resolbahin sa pamamagitan ng pagbabawal nito sa BHB at simpleng pag-uusap ang makalulutas sa mga pinaglalabanan sa umiiral na gera sibil. Ang mga nagtutulak nito ay nagkukunwaring nyutral at nagbubulag-bulagan sa gerang magpapalaya sa mga pinagsasamantalahan at inaapi. Taktika rin ito ng reaksyunaryong gubyerno upang igiit ang mga lokal na negosasyon sa pagitan ng AFP at BHB. Ipinakikita nito na walang sinseridad at kapasyahan ang gubyerno sa pakikipagnegosasyon nito sa NDFP. Sinusubukan nitong hati-hatiin ang mga rebolusyonaryong pwersa dahil sa palagay nito ay mas madaling madurog ang BHB kung gawing hiwa-hiwalay ang mga negosasyong pangkapayapaan. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|