Balita
Matatagumpay Na Opensiba, Inilunsad Ngayong Abril
Isang upisyal ng Philippine Army ang napaslang at 16 na matataas na kalibreng armas ang nasamsam sa dalawang magkahiwalay na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ngayong Abril.
Nasawi si 2Tin. Joel D. Pacis nang tambangan ng isang platun ng BHB ang �Bravo� coy ng 48th IB noong umaga ng Abril 25 sa Balbalan, Kalinga-Apayao. Si Pacis, isang gradweyt ng Philippine Military Academy, ang isa sa mga namumuno sa naturang yunit. Dalawang sundalo rin ang nasugatan sa ambus.
Samantala, isang walang-putok na reyd ang matagumpay na inilunsad ng BHB noong Abril 16 sa isang detatsment ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Mungkayo, Compostela Valley. Hindi na nakalaban ang mga elemento ng CAFGU. Bagkus, isinuko nila sa mga Pulang mandirigma ang isang dosenang M14, tatlong Garan, isang M16 at isang radyo.
Erap: Haring Pasista, Gangster, Patriarko �- MAKIBAKA
Tinuligsa ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) si Joseph Estrada bilang �haring pasista, gangster at patriarko�. Sa pahayag nito sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis nitong Marso 8, kinundena ng rebolusyonaryong organisasyong masa ng kababaihan ang pang-uuto at paghahambog na ginagawa ni Estrada sa masang Pilipino upang mapasang-ayon ang huli sa Visiting Forces Agreement; sa pagtatanggal ng anupamang natitirang restriksyon sa konstitusyon laban sa dayuhang negosyo; sa pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos at mga kroni nila; sa pagbabalik sa pwesto ng mga berdugong lumabag sa karapatang-tao; at sa mabilis na pagbabalik ng mga proseso at institusyon ng diktadura. Anang MAKIBAKA, walang ibang nais ang patriarkong si Estrada kundi gawing �kusang-loob na alipin� ang mamamayan, katulad ng ginagawa niya sa kababaihan.
Binatikos din ng MAKIBAKA bilang �haring pasista� si Estrada dahil sa pagmamatigas nito sa usapang pangkapayapaan sa NDF samantalang binobomba pati ang kababaihan at mga bata sa isang todong gera sa kanayunan ng Luzon, Kabisayaan at Mindanao.
Si Estrada na rin mismo ang lumilikha ng kalagayan para daandaang kababaihan bawat araw ang magpasyang lumahok sa rebolusyonaryong kilusan, ayon sa MAKIBAKA. Inihayag pa nito na dumaraming kababaihan ang namumulat sa katotohanang nasa interes nila na wasakin ang lantarang pyudal at patriyarkal na rehimeng Estrada sa pamamagitan ng puspusang pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon.
MGA KARAPATAN NI JELYN DAYONG, PATULOY NA NILALABAG NG GRP
Patuloy na nilalabag ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) ang mga karapatan ni Kasamang Jelyn Dayong. Iniwang sugatan ng mga militar si Dayong, 17, matapos isagawa ang ambus sa yunit na kinabibilangan ng huli. Naganap ito noong Pebrero 16 sa Alegria, Surigao del Norte. Walang inilapat na pangangalagang medikal ang mga militar na dapat matamasa ni Dayong bilang hors d� combat sa naturang pananambang. Sa halip, kinunan lamang siya ng retrato upang gamiting propaganda ng militar.
Matapos siyang dalhin ng mga taumbaryo sa ospital, inaresto ng mga militar si Dayong at malisyosong ipinangalandakan sa masmidya na sila ang nagdala sa kanya sa pagamutan.
Sa kabila ng pagpapahayag ni Dayong ng kagustuhang makasama muli ang kanyang pamilya, ibinilanggo siya ng rehimen. Sa kasalukuyan, mahigpit na ginugwardyahan si Dayong ng mga militar habang siya�y ibinibimbin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tinatakot at hinaharas ang pamilyang Dayong at ang mga personahe ng mga organisasyon sa karapatang-tao na tumutulong at nakikipaglaban para sa kanyang paglaya. Katulong ng militar ang DSWD sa pagtatakda ng limitadong dalaw sa pamilya at sa pagkakait ng serbisyo ng mga organisasyon sa karapatang-tao.
Nitong Abril 19, isang demonstrasyon ang inilunsad ng mga militanteng organisasyon, kasama ang pamilyang Dayong, upang kundenahin ang patuloy na paglabag ng GRP sa mga karapatan ng biktima.
Samantala, iginigiit ng NDFP ang kagyat na pagpapalaya kay Dayong at iba pang detenidong pulitikal alinsunod sa obligasyon ng GRP sa Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas o CARHRIHL. Sa isang pahayag nitong Abril 13, sinabi ni Luis Jalandoni, tagapangulo ng negotiating panel ng NDFP, na kailangang kagyat na palayain si Dayong upang muli niyang makasama ang kanyang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Dagdag pa niya: �Hindi siya malaya habang pinananatili siyang nasa pangangalaga ng DSWD.� Si Jelyn Dayong ay isang medic na nakatalaga sa isang Sandatahang Yunit Pampropaganda ng BHB. Siya ay galing sa tribung Mamanwa, isa sa pinakaaping tribu na naninirahan sa kabundukan ng Hilagang Mindanao.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|