![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Hinamon ni Kasamang Jose Ma. Sison, senior political consultant ng NDFP negotiating panel, ang gubyerno ng The Netherlands na ituloy ang pag-ipit sa kanyang mga deposito sa bangko upang maipakita ang kalupitan nito at ng mga imperyalista. Ito ang reaksyon niya sa pagsang-ayon ng The Netherlands sa �kahilingan� ng US na ipitin ang mga pag-aari niya at ng NDFP. Ani Sison, isa itong malupit na hakbangin dahil ang salapi niya sa bangko ay sapat lamang na ikabuhay. Aniya, ang kanyang salapi ay nanggagaling din sa gubyernong Dutch dahil hindi siya pinahihintulutang maghanapbuhay bilang isang political refugee. Gayunman, ayon pa kay Kasamang Sison, hindi maaapektuhan ng panggigipit ang operasyon ng rebolusyonaryong kilusan dahil ito ay umaasa sa sarili at hindi sa suporta mula sa labas ng bansa. Aniya, kalakhan ng pondo ng kilusan ay nagmumula sa mga kontribusyon ng mga magsasaka, manggagawa at iba pang tagasuporta sa Pilipinas. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|