Hinggil sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya sa sarili
Bilang paglalagom sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ng mamamayang Moro, inilalabas ng patnugutan ng Ang Bayan (AB) ang tugon ng isang kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral. Kaugnay ito ng inilathalang sulat mula kay Ka Adi ng Rehiyon ng Ilokos-Kordilyera at sa kaakibat na artikulong inilabas sa isyung Setyembre-Oktubre 1999 ng AB.
Tungkol sa kasagutan ng AB sa katanungan ni K.Adi sa usapin ng mamamayang Moro, sa palagay ko ay dapat linawin na ang prinsipyo sa pagkilala sa karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ay dapat umayon, pero kung may tunggalian, ay dapat ipauna sa pampulitikang konsepto hinggil sa nasyunalidad.
Kaugnay ng usapin sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), dapat balanseng mailinaw na ang pagkilala sa umiiral na konsepto ng nasyunalidad sa hanay ng mga grupo sa rebolusyonaryong kilusan ng mamamayang Moro ay bahagi ng pagkilala sa karapatan sa pagpapasya-sa-sarili, laluna�t sa kalagayan ng mamamayang Moro, ito ay mayroong malaking pangkasaysayan at pangkasalukuyang batayan. Kayat sa ating pakikitungo sa MILF, nirerespeto natin ang kanilang pampulitikang konsepto na kumikilala na sila�y hiwalay na mamamayan kahit mayroon tayong tinatayuang pampulitikang konsepto na sila�y bahagi ng mamamayang Pilipino. Sa pamamagitan ng sariling pagoorganisa sa mamamayang Moro at sa pamamagitan ng mahigpit na pakikipag-alyansa sa kanila sa balangkas ng pambansa-demokratikong rebolusyon at pagkilala sa kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili, naipakikita natin sa kanila sa mga paglilinaw at sinserong mga aksyon�na may batayan sa isang pambansa-demokratikong balangkas (sa rebolusyon at sa pag-iral ng bagong sistemang panlipunan) na mapawi ang ilang siglo nilang naranasan na pambansang pang-aapi at may batayan para malaganap na maisakatuparan ang pampulitikang konsepto na kabilang sila sa mamamayang Pilipino.
Sa pagtatagumpay ng rebolusyon, kung saka-sakaling mangingibabaw ang pampulitikang konsepto na sila�y hiwalay na mamamayan at sila�y hihiwalay sa bansa, kailangan natin iyong respetuhin hangga�t hindi sila magiging instrumento ng imperyalismo o ng panunumbalik ng kalagayang malapyudal at malakolonyal. Subalit nasa pagsusulong na mismo ng rebolusyon nang magkaagapay, nagkakaisa o nagtutulungan natin magagawang bawasan ang kundisyon na tumungo roon. Isa pa, mananatili pa rin naman ang sitwasyon na marami sa mga prubinsyang kinalalagyan ng mamamayang Moro ay may mayoryang populasyong hindi Moro.
Para sa mambabasa ng AB, at para sa rebolusyonaryong mamamayan, sa tingin ko ay may mas malaking kahalagahan na pagdiinan ang ating pagbubukas na kilalanin ang kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili, ang kasaysayan ng kanilang pagkakaapi at ang mga makatarungan nilang kahilingan para mas mahusay na mapakitunguhan ang kanilang pakikibaka. Kapag nakilala iyon ay mas titibay ang batayan sa pakikiisa sa kanila at sa paghatak sa kanila tungo sa pampulitikang konseptong ating itinataguyod.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|