|
Dalawang bagong aklat ni Ka Joema, inilunsad
Inilunsad ng palimbagang Aklat ng Bayan noong Oktubre 10 ang dalawang bagong aklat ng nakadistyerong rebolusyonaryong lider, Jose Ma. Sison, ang US Terrorism in the Philippines at Pulitika at Ekonomya ng Pilipinas sa Balay Kalinaw sa University of the Philippines sa Quezon City.
Ang US Terrorism in the Philippines ay kalipunan ng matatalas at malalalim na komentaryo ni Sison hinggil sa mapandambong, mapang-api at teroristang operasyon ng imperyalismong US sa Pilipinas at sa daigdig at sa paglaban dito ng mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Binatikos din dito ang mga di makatarungan at malisyosong paninira ng mga imperyalista, pangunahin na ng US, at ng papet na rehimen, at pagbabansag sa kanya at sa PKP at BHB bilang �terorista.�
Salin naman ng bersyong Ingles ang Pulitika at Ekonomya sa Pilipinas na unang ipinalabas noong 1998. Nilalaman nito ang serye ng mga interbyu sa kanya ng asawa niyang si Juliet de Lima-Sison noong nakakulong si Ka Joema.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Oktubre 2003 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|