Tagumpay ang maayos at ligtas na pagpapalaya sa mga bihag ng digma
Maayos at ligtas na napalaya ng Romulo Jallores Command (RJC) ng Bagong Hukbong Bayan(BHB)-Bikol ang mga bihag ng digma na sina Lt. Ronaldo Fidelino at Pfc. Ronnel Neme�o nitong Agosto 18 sa Presentacion, Camarines Sur.
Ang utos para sa pagpapalaya sa mga POW ay pinirmahan ni Kasamang Luis Jalandoni, pi-nuno ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) negotiating panel.
Ang proseso ng pagpapalaya sa mga POW ay pinagkasunduan ng mga negotiating panel ng GRP (Government of the Republic of the Philippines) at ng NDFP. Sa pamamagitan ng negosasyon, sumang-ayon ang GRP na iutos nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang suspension of offensive military and police operations (SOMO/SOPO) sa mga prubinsya ng Camarines Sur at Albay.
Rekisito ang SOMO/SOPO sa ligtas at maayos na pagpapalaya sa mga POW. Ang kautusan para sa SOMO/SOPO ay pormal na inianunsyo ng GRP noong Agosto 16 sa pamamagitan ni Kongresman Rolando Andaya Jr. Si Andaya ang nagsilbing upisyal na negosyador ng rehimen.
Malaon na sanang napalaya sina Fidelino at Neme�o kung hindi lamang sa pagmamatigas ng AFP at PNP. Katunayan, tatlong araw ma-tapos silang mabihag, ipinahayag ng BHB ang kahandaang sila'y palayain.
Noon pang Abril 2 unang nakatanggap ang NDF ng pormal na sulat mula sa GRP negotiating panel na humihiling ng pagpapalaya sa dalawa. Inihapag ang bagay na ito sa ikawalang round ng usapang pangkapayapaan noong Abril 2004 sa Oslo, Norway. Pumayag noon ang GRP na ipatupad ang SOMO/SOPO sa mga prubinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon. Hiniling lamang nilang ilihim sa publiko ang kautusang ito.
Hindi ipinatupad ng GRP ang sariling SOMO/SOPO sa panahong ito. Wala ring ipinaabot na dahilan ang GRP. Pagsapit ng Hulyo, muling inihapag ng GRP sa negosasyon ang pagpapalaya ng mga POW. Sa muli, hiniling nito na ilihim ang deklarasyon sa midya.
Pormal na binigyan ng GRP ang NDFP ng kopya ng internal na me-morandum na pinirmahan ni Lt. Gen. Edgardo Batenga, Undersecretary for Armed Forces Operations ng Department of National Defense (DND). Ayon sa memoradum na may petsang Hulyo 28, inaprubahan ni Arroyo ang 20-araw na SOMO/SOPO na magsisimula sa Hulyo 27 at sasaklaw sa mga prubinsya ng Albay at Camarines Sur. Madiin si Batenga na hindi aamin ang AFP na pumayag ito sa pagpapatupad ng SOMO at sa pagpapalaya sa mga bihag.
Ngunit nagpatuloy ang mga operasyong militar ng AFP, taliwas sa idineklarang SOMO/SOPO. Matigas na itinanggi ng kanilang mga tagapagsalita ang sariling deklarasyon. Nakatanggap ang RJC ng mga ulat na mula Hulyo 27, nagpapatuloy ang operasyon ng AFP sa Oas, Albay, sa Lupi, Camarines Sur at iba pang lugar.
Nagpumilit ang AFP at PNP na "iligtas" ang mga POW sa pama-magitan ng kanilang mapaminsalang "rescue operations.� Labis-labis na karahasan ang dinanas ng mamamayan ng Camarines Sur sa kamay ng 42nd IB. Napakaraming naganap na karumal-dumal na pagpatay, iligal na pag-aresto, pagkulong at pagtortyur, pagnanakaw, panggagahasa at pangmomolestya sa kababaihan. Kailangang pagbayaran ng AFP ang grabeng pinsalang idinulot nito sa mamamayan sa Tinambac, Camarines Sur at mga kalapit-bayan.
Dahil sa di pagtupad ng AFP at PNP sa kautusang SOMO/SOPO, napilitan ang BHB-RJC na ikansela ang pagpapalaya sana noong Agosto 7.
Sa muling pakikipagnegosasyon noong ikalawang linggo ng Agosto, iginiit ng NDFP na kailangan nang ilabas sa publiko ang SOMO/SOPO upang tiyak itong maipatutupad. Pumayag lamang dito ang GRP at ang AFP-PNP dala ng pagkabunyag nito sa midya at ng matinding presyur mula sa iba't ibang sektor para sa maagap at ligtas na pagpapalaya sa dalawang bihag.
Bilang katumbas na hakbangin, ang NDFP ay nag-utos sa BHB sa Bikol na ihinto at iwa-san ang mga opensibang militar laban sa AFP at PNP sa mga prubinsya ring iyon. Inaasahang magtatagal ito hanggang Agosto 25, pitong araw matapos ang pagpapalaya sa mga POW.
|