Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Pagpapalaya sa Auschwitz, ginunita

 Read this article in English

Hindi na dapat maulit ang Holocaust*. Ito ang mensaheng umalingawngaw sa ika-60 anibersaryo ng pagpapalaya sa mga "death camp" sa Auschwitz, Poland noong Enero 27.

Aabot sa 1.5 milyong Hudyo, komunistang Polish at Soviet, mga may kapansanan, mga gypsy at bakla ang pinagpapatay ng mga Nazi (mga pasistang pwersa sa Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig) sa Auschwitz mula 1940 hanggang 1944. Ang mga "death camp" sa Auschwitz ang pinakamalalaking kulungan ng mga Nazi noon kung saan ipiniit, pinag-eksperimentuhan at minasaker ang itinuturing nilang mga kalaban. Pinangasiwaan ito ng SS o Schutzstaffel, ang grupong paramilitar na nagsilbing espesyal na pulisya ng mga Nazi.

Sa Auschwitz isinagawa ang mga eksperimento para alamin kung paano pinakamabilis na mapapatay ang mga hinakot na bilanggo na karamihan ay mga Hudyo mula sa mga bansang okupado ng mga Nazi sa buong Europe. Sa pamamagitan ng naturang mga eksperimento, umabot sa 6,000 katao ang napapatay bawat araw ng mga Nazi. Pinakamabilis na paraan ng pagpatay ang pagtipon ng libu-libong tao sa loob ng malalaking pugon at pagbomba ng insektisidyo rito. Pagkatapos ay sinusunog ang kanilang mga bangkay.

Pagdating na pagdating sa Auschwitz, agad hinahakot ang mga bata, matatanda, may sakit at mahihina para patayin. Samantala, ang mga bilanggong malalakas ang pangangatawan ay pwersahang pinagtatrabaho sa mga pabrika ng armas ng Germany sa Poland. Kung hindi na makapagtrabaho ang mga ito dahil sa sakit at kahinaan ng katawan ay pinapatay na rin sila.

Ang nalalabing mga bilanggo sa Auschwitz ay pinalaya ng magigiting na sundalo ng Russian Red Army noong Enero 27, 1945. Ang "death camp" ay ginawang museo ng gubyerno ng Poland upang ipaalala na hindi na dapat maulit ang henosidyo. Naparusahan ng kamatayan bilang mga war criminals ang mga elemento ng SS na nagsagawa ng henosidyo at toryur, hindi lamang sa Auschwitz kundi sa lahat ng bansa sa Europe na inokupa ng mga Nazi.

Ang paggunita sa Auschwitz ay dinaluhan ng mga nakaligtas na biktima at pamilya nila, ilan sa mga sundalo ng Red Army na nagpalaya sa mga bilanggo, mga pinuno ng iba't ibang gubyerno sa buong mundo at mga upisyal mismo ng Germany. Nagkaroon din ng mga komemorasyon sa iba�t ibang dako ng Europe gaya ng United Kingdom, Russia at Greece.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagdaos ng komemorasyon ang United Nations pagkatapos ng gera. Dito, ihinalintulad sa Auschwitz ang mga kahayupan at pagyurak ng dignidad at karapatang-tao sa mga bansang sinasakop ngayon ng US gaya ng Iraq at Afghanistan. Tinuligsa rin ang nangyayaring maramihang pagpatay sa ilang bansa ng Africa at laluna ang pagpatay ng mga pwersa ng Israel sa mga Palestino. Mariin ding kinundena ang patuloy na pagmamaltrato sa mga bihag ng US at UK sa Iraq at sa Camp Xray, ang internasyunal na bilangguan na itinayo ng US sa base militar nito sa Guantanamo, Cuba.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Pebrero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Biguin ang malulupit na anti-mamamayang hagupit ng rehimeng US-Arroyo

Pagtaas ng VAT, inuulan ng batikos
Malakihang pagmimina: Paglapastangan sa pambansang soberanya at patrimonya
Pagmimina sa Central Luzon
Mga Ulat Koresponsal:
General Victor Corpus: Malaking manloloko

Mga Ulat Koresponsal:
Rebolusyonaryong patakaran sa Panay hinggil sa kapaligiran

Pagsasanib ng mga dambuhalang kumpanya:
Mas malaking tubo, mas masahol na pagsasamantala

Sa Ibayong Dagat:
Di masusupil ang Maoismo sa China

Sa Ibayong Dagat:
Pagpapalaya sa Auschwitz, ginunita
Sa Ibayong Dagat:
Pagbubuo ng estadong papet ng US sa Iraq

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.