Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ulat koresponsal:
Mga tulisan, instrumento ng AFP sa Northeastern Mindanao

 Read this article in English

Sistematikong ginagamit ng 4th ID ng Philippine Army at ng Philippine National Police (PNP) ang mga tulisan sa Northeastern Mindanao para magkalat ng kontra-rebolusyonaryong lagim sa hanay ng mamamayan kasabay ang paninira sa BHB. Karaniwang ipinatatarget ng AFP at pulisya sa mga alaga nilang tulisan ang mauunlad na tindahang kooperatiba na itinatayo ng mga organisasyong masa ng mga lumad sa bulubunduking mga baryo. Pinagnanakawan din ang ilang mga negosyante at sasakyang pampasahero.

Tuwing iuulat sa pulisya ang gayong mga pangyayari, iisa lamang ang palaging sinasabi ng PNP: mga gerilya ng BHB ang nagsagawa ng panghoholdap. Agad namang pinasusurender ang mga tulisan at pinalalabas na mga Pulang mandirigma sila.

Sa isang pahayag, kinundena ni Ka Maria Malaya, tagapagsalita ng NDF-Northeastern Mindanao, ang lagim na inihahasik ng mga tulisan at ang ibinubunga nitong malaking abala sa kabuhayan ng masa. Aniya, napipilitang gwardyahan ng mga lumad ang kanilang mga kooperatiba at indibidwal na ari-arian sa halip na asikasuhin ang kanilang pagsasaka. Sa halip na tugisin ng AFP at PNP ang mga tulisang pumeperwisyo sa masa, sinasabihan nila ang mga taumbaryo na umanib sa CAFGU, magtayo ng detatsment ng AFP at CAFGU sa kanilang lugar at pahintulutan ang pagpapatindi ng mga operasyong militar dito para umano mawala na ang kaguluhan. Hindi ito pinapayagan ng mga taumbaryo dahil alam nilang pakana ito ng militar para mas malaya silang makapaghasik ng lagim at makapaglunsad ng malakihang operasyon upang wasakin ang rebolusyonaryong kilusan.

Tinukoy ni Malaya ang panloloob nitong ikalawang linggo ng Abril sa mga tindahang kooperatiba ng mga lumad sa bulubunduking bahagi ng Diatagon, Lianga, Surigao del Sur. Bago ito, limang magsasaka ang pinagnakawan at minasaker sa Cabadbaran, Agusan del Sur noong Disyembre 1, 2003 matapos ang sunud-sunod ring panloloob at pangmamasaker sa mga baryo ng Butuan City at San Antonio, Agusan del Norte at Cabadbaran noong Nobyembre 2003. Nitong Pebrero 27, nilooban din ang kooperatibang tindahan sa Sityo Sinaka, Antikala, Butuan City subalit napigilan ng mga taumbaryo ang nakawan sa kooperatiba sa sityo ng tribo sa Kalidan, Mahaba, Cabadbaran.

Ang may kagagawan ng serye ng mga krimeng ito ay isang walo-kataong grupong lumad na hawak ni Sgt. Marlito Boholps ng AFP-CAFGU detachment sa Mahayahay, Antikala, Butuan City. Ang grupo ay pinamumunuan ni Loloy Mandag, isang aktibong aset ni Boholps. Nitong Marso 2004, pinagpanggap na mga Pulang mandirigma ang mga tulisan at kunwa'y pinasurender sa kampo ng 401st Bde sa New Leyte, Prosperidad, Agusan del Sur.

Mga lumad rin ang nirerekrut ng AFP para maging tulisan upang sirain ang pagkakaisa ng mamamayang lumad. Isang apat-kataong pangkat ang pinamumunuan ni Peter Iligan, isang Manobo na taga-Poblacion 1, Santiago, Agusan del Norte at aset ni Heros Morales, hepe ng pulisya sa Santiago. Isa pang pangkat na nanunulisan sa hangganan ng Surigao del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Norte ang pinamumunuan nina Jack Anilao at Junior Ampo, mga myembro ng Lumadnong Pakigbisog sa Caraga o Lupaca, isang kontra-rebolusyonaryong grupong itinayo ni Gen. Ernesto Carolina, dating hepe ng AFP Southern Command. Pinagpanggap ding mga gerilya ng BHB at pinasuko ang grupo nina Anilao.

Ipinaliwanag ni Malaya na pinagsisikapan ng rebolusyonaryong kilusan na buwagin ang mga grupo ng tulisan sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga lider nito at paglulunsad ng masikhay na reedukasyon sa mga ordinaryong myembrong walang mabibigat na pagkakasala sa masa. Magkatuwang ang BHB at mga lumad sa paglaban sa mga tulisan.

Nanawagan din si Malaya sa mamamayan kapwa sa mga lugar na bulubundukin at patag, na palakasin at palakihin ang BHB upang maipagtanggol ang mga naipagtagumpay ng mamamayan at rebolusyon at magkaisa laban sa mga tulisang hawak ng AFP at PNP.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Mayo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang pundamental na pagbabagong idudulot ang eleksyon sa Mayo 10

Panggigipit sa mga progresibong partido:
Walang tigil ang paninira at pamamaslang

Mga kandidatong lumabag sa PTC, dinisarmahan ng BHB
Imperyalismong US, nanghihimasok sa eleksyon
Koleksyon ng mga litrato ng BHB, inilunsad
Itakwil ang mga gumagamit sa OPML para walang tigil na siraan ang Partido —Ka Basil
Mga ulat koresponsal:
Mga tulisan, instrumento ng AFP sa Northeastern Mindanao
Mga ulat koresponsal:
Cordillera Day 2004:

Kasaysayan ng magiting na pakikibaka sa Cordillera, ipinagbunyi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.