![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Hindi pa gaanong nagtatagal mula nang salakayin at tuwiran nang sakupin ng US ang Iraq. Ngunit matindi nang nararamdaman ng US ang lumalaking problema at bumibigat na pasanin ng patuloy na okupasyon nito sa bansa. Nitong Nobyembre 15, umabot sa 17 sundalong Amerikano ang namatay nang magbanggaan sa ere ang dalawa na namang Black Hawk na helikopter ng US nang umiwas ang isa sa mga rocket propelled grenade ng mga Iraqi. Sa pangyayaring ito, umabot na sa limang helikopter ng US ang napabagsak ng mga Iraqi sa loob ng tatlong linggo.
Sa ngayon, mahigit 400 na ang napatay na pwersang US mula nang lusubin ng US ang Iraq. Mahigit 150 rito ay napatay matapos ideklara ni Bush noong Mayo 1 na tapos na ang gera sa Iraq. Nalampasan na ng bilang ng mga kaswalti sa Iraq nitong huling walong buwan ang bilang sa unang tatlong taon ng US sa Vietnam. Bukod sa mga napatay, mahigit 1,500 na ang mga sundalong US na nasugatan sa mga labanan sa Iraq. Di kabilang dito ang mga tinatamaan ng troma sa gera dahil sa dumarami at tumitinding mga atake ng mga gerilyang Iraqi. Umaabot na ngayon sa 25 hanggang 30 kada araw ang opensiba ng mga Iraqi laban sa mga tropang US. Mabigat na ring pinoproblema ng mamamayang Amerikano ang mahigit $4 bilyong ginagastos ng US buwan-buwan para sa patuloy na okupasyon sa Iraq. Habang tumatagal, lalo pang tumitindi at lumalawak ang galit ng mamamayang Iraqi sa mga nag-ookupang dayuhang pwersa. Malawak at malalim ang suportang tinatanggap ng mga gerilyang Iraqi mula sa mamamayang naggigiit na dapat kaagad nang palayasin ang US sa Iraq. Maging ang ibang mga pwersa ng koalisyong pinamumunuan ng US sa Iraq ay inaatake at napipinsalaan. Noong Nobyembre 12, 18 tropang Italyano ang namatay at mahigit 80 ang nasugatan nang pasabugan ng truck bomb ang himpilan ng kanilang Multi-Specialized Unit (MSU). Mula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinakamalaking bilang na ito ng mga kaswalting Italyano sa gera. Bunga nito, dumarami ang mga Italyanong sumisigaw ng "A casa!" o pauwiin na ang mga sundalo nila mula sa Iraq. May 2,400 pwersa ang Italy sa Iraq. Samantala, dahil sa lumalaki na rin nilang pangamba sa seguridad at negatibong epekto nito sa pulitika sa bansa, ipinabatid ng gubyerno ng Japan ang lalong pag-aalangan sa matagal na ring binabalam nitong kapasyahan tungkol sa pagpapadala ng ilang daang "di-pangkombat" na tropang Hapones sa Iraq. Iniinda ng rehimeng Bush ang mga bumibigat na pasanin sa okupasyon ng US sa Iraq. Nagiging pinakamalaking salik ito sa negatibong pagtingin ngayon ng mga Amerikano at bumababang tsansa ni Bush na manalo pa sa darating na eleksyon sa US sa 2004. Bunsod ng mga ito, ipinahayag ni Bush ang kapasyahang madaliin na ang pagpupwesto ng isang papet na rehimen para makapagbawas na ng mga tropang US sa Iraq. Binuo ang kapasyahang ito pagkatapos ng biglaang pagpapatawag niya kay Iraq Governor Paul Bremer at pag-uusap nila kasama sina Secretary of State Colin Powell at Defense Sec. Donald Rumsfeld noong Nobyembre 13 para tayahin ang sitwasyon sa Iraq. Sa halip na paabutin pa sa dating dalawang-taong palugit, nagpasya si Bush na idaos na sa Hunyo 2004 ang eleksyon para sa pagbubuo ng papet na gubyerno sa Iraq. Nais ni Bush na ilang buwan bago ang eleksyon sa US ay maianunsyo na niya ang �pagtatagumpay� ng US sa Iraq. Mas madaling sabihin ito kaysa gawin. Binalewala ni Bush ang noon pa ma�y natukoy nang malalaking suliranin sa pagbubuo ng papet na rehimen sa Iraq. Karamihan ng mga pinili ng US para ilagay sa papet na pansamantalang Governing Council ay matagal na nawala sa Iraq at bumalik lamang nang inokupa na ng US ang Iraq. Wala rin silang gaanong ugnay sa mamamayan at di makaaasa ng suporta mula sa kanila. Mahigpit din ang bangayan nila sa isa't isa. Malaking problema sa partikular ang pagbubuo ng epektibong papet na hukbong Iraqi. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|