Kontraktwalisasyon sa SM
Ang SM ang pinakamalaking department store chain sa Pilipinas. Pag-aari ito ni Henry Sy, isa sa pinakamalaking burges-kumprador sa Pilipinas. Mayroon itong 14 na sangay sa buong bansa. Ito rin ang pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas na nag-eempleyo ng pinakamaraming kontraktwal na manggagawa.
* Umaabot sa 90% ng kabuuang 20,000 manggagawa sa SM ang kontraktwal. Sa anim na sangay ng SM sa Metro Manila, 1,447 manggagawa lamang ang regular.
* Bawat buwan, kumukuha ang SM ng aabot sa 10,000 bagong mga manggagawa na magtatrabaho nang tatlo hanggang limang buwan bilang mga kontraktwal.
* Kumita ang SM ng P2.7 bilyon noong 1998. Sa kabilang panig, ang mga saleslady na 10-20 taon nang nagtatrabaho roon ay kumikita lamang ng P250 kada araw.
* Ang SM ay tinataguriang isang garison dahil sa pagbabawal sa mga manggagawa na lumahok sa mga aktibidad ng unyon doon, at pagbabawal na magbuo ng mga unyon sa mga bagong sangay nito.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|