![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Habang nag-aastang tagapagtanggol ng daigdig laban sa weapons of mass destruction, nagpaplano ang US na lumikha ng isang bagong nukleyar na arsenal Itinutulak ngayon ng Pentagon ang paglikha ng kauna-unahang mga bagong tipo ng armas nukleyar ng US mula nang magwakas ang Cold War. Dalawang plano ang inihahapag ng Pentagon. Una, balak nitong retokehin ang mga dati nang warhead upang bigyang-kakayahan ang mga ito na makawasak ng mga bunker sa lalim na 1,000 piye. Ikalawa, nais nitong magdisenyo ng mini-nukes o maliliit na armas nukleyar na angkop laban sa mga imbakan ng mga sandatang kemikal at biological. Apatnapu�t anim na milyong dolyar ($46 milyon) ang ipinapanukalang gastusin ng Pentagon para sa plano sa taong 2004.
Iginigiit ng administrasyong Bush na ang kasalukuyang nukleyar na arsenal ng US ay idinisenyo para mangwasak ng mga syudad. Wala umano itong kakayahang sumuot sa ilalim ng lupa kung saan umano binubuo at itinatago ng mga bansang tulad ng Iran at North Korea ang kanilang weapons of mass destruction. Hindi na rin umano epektibong pamigil ng atake ang kasalukuyang arsenal. Tantyado umano ng mga kalaban ng US na hindi nito gagamitin ang kasalukuyang mga armas nukleyar dahil sa matinding internasyunal na oposisyon sa napakalawak na pinsalang idudulot nito. Ang tunay na nais ng rehimeng Bush ay luwagan ang renda sa paggamit ng mga armas nukleyar upang mas madaling masindak at magapi ang mga itinuturing na kalaban ng US. Mas madaling pagpasyahan ang paggamit ng mas maliliit at mas asintadong armas nukleyar dahil mas maliit din ang pinsalang idudulot ng mga ito kumpara sa mga dating tipo ng sandatang nukleyar. Nais likhain ng US ang isang kaayusan kung saan ang mga armas nukleyar ay magagamit kailanma�t naisin na animo�y mga ordinaryong sandata lamang. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|