|
Panandaliang ilusyon ng pag-unlad
Kung hihimayin ang datos na inilabas kamakailan ng gubyerno na naglalarawan ng umano�y 6.4% paglawak sa ekonomya sa unang tatlong buwan ng taon, makikitang ang mga salik sa likod nito�y pawang di-produktibo at panandalian lamang. Lumilikha lamang ito ng ilusyon ng pag-unlad sa harap ng matagal nang pagkatigang at pagdausdos ng ekonomya.
Ang umano�y paglago ng ekonomya ay dulot ng (1) pagsirit ng mga gastusin kaugnay ng eleksyon (5.9%); (2) ang lalo pang paglawak ng mga serbisyong pang-telekomunikasyon (13.4%) dahil sa pagdagdag ng ilang milyong ginagamit na cellphone; (3) panandaliang pagtaas ng produksyong agrikultural dahil nagkataong maganda ang klima; (4) alanganing pagbangon ng produksyon ng mga pyesang elektronik mula sa pagbagsak na sinapit nito; at (5) paglaki ng mga remitans mula sa overseas contract workers (OCW).
Wala ni isa sa mga ito ang nagpapakita ng tunay na paglago ng ekonomya o ng pangmatagalang pag-unlad sa hinaharap. Maging ang ibang burges na ekonomista ay duda kung ang sinasabing pag-unlad ay tatagal.
Sa pagtatapos pa lamang ng kwarto noong Marso, bumagsak na nang 11% ang manupaktura. Bumagsak muli nang 11.4% ang eksport nitong Abril, dahil pangunahin sa pagdausdos na naman ng eksport ng semiconductors, ang pyesang elektronik na pangunahing eksport ng Pilipinas. Inaasahan ding tutumal ang produksyon sa mga susunod na buwan dulot ng sobrang paglaki (130%) ng imbentaryo ng mga produktong agrikultural at mga inimbak na kalakal noong unang kwarto. Hahatak din nang malaki sa pagbaba ng produksyon ang pagbalik sa normal ng mga konsumo matapos ang eleksyon, ang tuluy-tuloy na pagtataas ng presyo ng langis at ang sobra nang lumalaking depisit sa badyet ng gubyerno at kabayaran sa mga utang.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Hunyo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|