Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Rebolusyonaryong Kilusang Lihim sa Pabrika, Sumusulong

Sa harap ng masidhing krisis pang-ekonomya, masiglang sumusulong ang militanteng kilusan ng mga manggagawang Pilipino. Nag-aambag ito nang malaki sa paglawak at paglakas ng buong rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanan.

Isa sa mahusay na karanasan sa pagbubuo ng rebolusyunaryong kilusan sa hanay ng mga manggagawa ang karanasan sa �Y�, isang korporasyong agribisnes. Sa sariling pagkukusa, ang halos limandaang mga manggagawa ay nagbuo ng unyon noong dekada �80. Sumanib ang unyon sa militanteng kilusang manggagawa at aktibong lumahok ito sa mga kampanya at pakikibaka ng masang manggagawa, gayundin sa mga aksyong protesta ng malawak na ligal na kilusang demokratiko.

Mula huling bahagi ng 1997 nagtalaga ang Partido ng pangkat sa gawaing masa sa Y. Dahil ang mga manggagawa ay dati nang naaabot ng pambansa demokratikong propaganda, agad naitayo ang grupong pang-organisa sa isa sa mahigit limang pabrika ng Y.

Ilang linggo lamang matapos mabuuan ng lihim na grupo, ang nasabing pabrika ay isinara ng kumpanya. Pero dahil determinadong magpatuloy sa rebolusyonaryong gawain, ang mga kagawad ng grupo ay nagpasyang magpalipat sa ibang pabrika ng Y sa halip na tanggapin ang kabayarang inialok ng kapitalista para sa opsyonal na pagreretiro. Ang unang grupong ito ang nag-silbing punla na mabilis na lumago sa ibang mga pabrika ng Y. Matapos lamang ng ilang buwan, nakabuo sila ng grupo sa bawat pabrika kasabay ng sistematikong pagsisiyasat sa kalagayan at pamumuno sa mga pag-aaral tungkol sa kilusang unyon at rebolusyonaryong pakikibaka. Ang mga manggagawang naorganisa sa mga lihim na grupo ay nagpamalas ng higit pang militansya at nagpahayag ng pagsuporta sa rebolusyonaryong kilusan at armadong pakikibaka. Ibayong bumwelo ang rebolusyunaryong gawain, kabilang na ang integrasyon sa Bagong Hukbong Bayan. Anim na buwan mula nang sumapi sa unang grupong pang-organisa, apat na masang aktibista ang nirekrut bilang kandidatong kasapi ng Partido.

Binuo ang sangay ng Partido mula sa apat na bagong kandidatong kasapi at dalawa pang kasapi ng yunit sa gawaing masa ng Partido. Nagbalangkas ang sangay ng anim-na-buwang programa na naglayong mas itaas pa ang antas ng kamulatan at rebolusyonaryong praktika ng mga manggagawa at lahatang-panig na payabungin ang rebolusyonaryong karakter ng unyon.

Matatag na isinulong ng rebolusyonaryong kilusan ang kapakanan ng mga manggagawa. Sa pamumuno ng Partido, naglunsad noong huling bahagi ng 1997 ng welgang tumagal nang halos 10 araw upang igiit ang kahilingan ng mga manggagawa para sa mas mataas na sahod.

Naging mainit ang pagtangkilik ng masang manggagawa sa welga. Mahigit sa 98% ng mga trabahador ang lumahok dito at halos lubos ang pagpapatigil sa operasyon ng kapitalista. Dahil sa milyun-milyong pisong pagkalugi bunga ng welga, naitulak ang kapitalistang tapusin ang Collective Bargaining Agreement (CBA) na pabor sa unyon. Naipagwagi ng mga manggagawa ang dagdag sa sahod na siyang pinakamalaking nakamit ng unyon sa kasaysayan ng pakikipagnegosasyon sa kapitalista.

Ibayong pinabilis ng matagumpay na welga ang rebolusyunaryong gawain sa pabrika. Sa loob lamang ng limang buwan, lumaki nang higit sa doble ang bilang ng mga aktibistang masa, at inabot nang ilampu ang kasapian ng Partido. Nabuo ang tatlong sangay ng Partido.

Ayon sa pinakahuling ulat, mahigit 200 manggagawa ang nabigyan na ng pag-aaral hinggil sa sahod, presyo at tubo. Mahigit isandaan ang nakakuha ng mga saligang pag-aaral hinggil sa lipunan at rebolusyong Pilipino. Masigla at tuluy-tuloy ang pangangalap at pagpapadala ng iba�t ibang tulong para sa armadong pakikibaka at kilusang magsasaka sa kanayunan, tulad ng damit, pagkain, gamot, mga bala at granada. May ilan na ring kasapi ng sangay na naghahandang sumanib sa Hukbo.

Patuloy ang pagtaas ng rebolusyonaryong diwa ng mga manggagawa sa Y. Dahil sa kanilang pagpupunyagi at pakikiisa sa Partido at rebolusyong Pilipino, tiyak na kakamtin pa nila ang mas matataginting na tagumpay.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Abril 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Erap Kontra Mahirap

Mula sa tagapaglathala:
Bagong kapasyahang muling ilathala ang Ang Bayan

Ang pagbabalik ng mga Marcos sa poder
KS: Arestuhin ang mga alipures ng diktador
Rebolusyonaryong Kilusan sa Gitnang Luzon
Pagbangon at Pagpapanibagong-Lakas

Nueva Ecija: Matingkad na Pagsulong
Tungkol sa mga Buladas ng Triong Magdangal-Bill-Olive
Hambalos ng "Globalisasyon" at Krisis sa Manggagawang Pilipino
Rebolusyonaryong Kilusang Lihim sa Pabrika, Sumusulong
25 Taong Tagumpay sa Rebolusyonaryong Nagkakaisang Prente
Paggalang sa karapatang-Tao:
Integral sa kondukta ng digmang-bayan

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.