|
Laban sa Warrentless Arrest ni Lacson
Ang Partido Komunista ay kaisa ng malawak na seksyon ng lipunan sa pagkundena sa pasistang panukala ni Hen. Panfilo Lacson na buhaying muli ang ASSO at PDA ng bumagsak na diktadurang US-Marcos. Noong ikalawang linggo ng Pebrero, iginiit ni Hen. Lacson na gawing ligal ang �warrantless arrest� o ang kapangyarihang mang-aresto ng reaksyunaryong militar at pulisya kahit di na dumadaan sa ligal na proseso at pagbasbas ng hukuman.
Isa na naman itong pruweba ng pagsangkalan ng reaksyunaryong rehimeng US-Estrada sa isyu ng kriminalidad at kampanya laban sa kriminalidad para malawakang sikilin ang mga demokratikong karapatan at sa gayo�y ipataw ang mas masahol pang mga patakarang antimasa, antinasyunal at antidemokratiko.
Ang panukala na ito ni Lacson ay isa lamang sa marami nang ipinatutupad na at inihahanda pa ng rehimeng Estrada na mga lantarang pasistang patakaran at mga batas kabilang na ang pagbabawal sa welga, pagbasura sa batas sa minimum na sahod, at iba pa.
Subalit ang mga ito ay sasalubungin ng galit at militanteng pagtutol ng mamamayan. Tiwala ang Partido na ang walang patumanggang pagyurak sa mga karapatang-tao ay lubos na bibiguin ng mamamayang Pilipino.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 00 Enero 1999 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|