![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isa sa mga importanteng bagay na kinakaharap ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa araw-araw ang pagharap sa mga usapin o tunggalian sa hanay ng masa at ang pangangailangang lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng arbitrasyon. Noong unang linggo ng Marso, nakapanayam ng Ang Bayan si Ka Deo, namumunong kadre ng Partido sa Nueva Ecija, kaugnay ng karanasan nila sa prubinsya sa gawaing ito. Pangunahing ginagampanan ng gubyernong bayan, mga organo ng Partido at organisasyong masa ang gawaing arbitrasyon. Sa Nueva Ecija ngayon, ginagampanan ito ng paparaming naitatayong mga samahang masa na sa iba�t ibang antas ay nagpapatupad ng mga rebolusyonaryong patakaran. Sa mga lugar na ito, ang idinudulog na lamang sa hukbong bayan ay ang mga usapin at reklamong hindi nalulutas sa kanilang antas. Subalit sa mga lugar kung saan nasa inisyal na antas pa lamang ang pagtatayo ng mga samahang masa, tuwiran ding idinudulog sa BHB ang mga kaso para sa arbitrasyon. Katulad ng ibang yunit ng BHB sa buong kapuluan, tinatanggap at hinaharap nina Ka Deo ang samutsaring usaping idinudulog sa kanila sa abot ng kanilang makakaya. Bukod sa mga tunggalian sa hanay ng mamamayan sa baryo, hinaharap din nila ang mga tunggalian sa pagitan ng mamamayan at mga panginoong maylupa at sa ilang pagkakataon, mga usapin sa pagitan ng mga panginoong maylupa. Pinakakaraniwan sa mga usaping natatanggap nina Ka Deo ang mga tunggalian kaugnay sa lupa at kagamitan sa produksyon sa pagitan ng mga magkababaryo, magkakapitbahay o di kaya�y magkakamag-anak. Masalimuot ang paglutas sa mga usaping ito laluna sa mga lugar kung saan mahina pa ang mga samahang masa at hindi pa naibubwelo ang mga programa at kampanya para sa rebolusyong agraryo na makapagbibigay ng sapat at angkop na balangkas ng paglulutas ng gayong maliliit na tunggalian. Halimbawa ng mga tunggaliang ito ang usapin ng paghahati ng lupa at patubig, pagpupwesto ng bakod sa sakahan at kabahayan at pagbabahaginan ng mga manang ari-arian. Dagdag sa mga usaping pangkabuhayan, idinudulog din sa mga Pulang mandirigma ang mga usaping sibil at kriminal katulad ng maliitang pagnanakaw, di pagbabayad ng utang, panggagantso, pang-aabuso sa asawa at anak at iba pa. Mayroon ding mga inihaharap na mga usaping nasa labas na ng mga sonang gerilya, katulad ng pagtatakda ng ruta ng mga traysikel sa mga sentrong bayan. Sa mga kasong walang usapin ng kriminal na paglabag sa karapatan ng iba, pinaiiral ng BHB ang mapayapang pagresolba sa pamamagitan ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng magkakatunggali. Iniimbestigahan muna ang mga pangyayari, dinidinig ang magkabilang panig at pinaghaharap ang mga sangkot. Pinapayuhan sila sa pamamaraan ng pagresolba at binibigyan ng mga mungkahi sa mga angkop na resolusyon, kabilang ang usapin ng kompensasyon. Sa panig nina Ka Deo, masusi nilang inaalam ang lahat ng datos hinggil sa usapin at binibigyang-konsiderasyon ang lahat ng aspeto. Hindi absoluto at hindi laging pantay ang turing sa sangkot na mga panig. Isang halimbawa na ibinigay ni Ka Deo ang paghahati ng mga minanang lupa sa pagitan ng magkakapatid. Bagamat pantay ang karapatan ng bawat isa sa lupa, binibigyang-konsiderasyon sa paghahati ang relatibong pangangailangan ng bawat isa, ang klase ng lupang mapupunta sa bawat isa, ang kakayahan ng bawat isa na paunlarin ang lupa at iba pang usapin. Ipinaliliwanag ang mga konsiderasyong ito sa magkakatunggali habang idinidiin ang pagbibigayan at kooperasyon.
Sa mga usaping mayroong naganap na paglabag sa karapatang-tao at rebolusyonaryong batas, nailalapat ang angkop na kaparusahan, nagagabayan ang buong komunidad at naipupwesto ang wastong mga hakbang laban dito. Ayon kay Ka Deo, maluwag na tinatanggap at ipinatutupad ng mamamayan ang mga kapasyahang ibinubunga ng arbitrasyon dahil na rin sa prestihiyo at integridad ng rebolusyonaryong kilusan. Gayunpaman, ang bisa at lakas ng mga kapasyahan ay nakasalalay sa lakas at tatag ng organisasyon ng mamamayang magpapatupad nito. Subalit may mga pagkakataon ding nagagamit ng militar at kaaway sa uri laban sa BHB at rebolusyonaryong kilusan ang mga himutok ng mga hindi nasiyahan sa arbitrasyon. Pumapaloob ang mamamayan sa proseso ng arbitrasyon sa ilalim ng rebolusyonaryong kilusan bilang pagkilala sa kapangyarihang pampulitika na itinataguyod ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at ng BHB. Pinatitingkad nito ang kanilang pagtatakwil sa reaksyunaryong prosesong hudisyal. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|