Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

General Agreement on Trade in Services
Ibayong pagsasamantala, ibayong pahirap

 Read this article in English

Sadyang walang preno ang mga hayok na imperyalista sa pagmamaniobra upang lubusang makamal ang pinakamalaking pakinabang mula sa mamamayan ng buong mundo. Todo-todong inilalarga sa ngayon ng mga multinasyunal at transnasyunal na kumpanya, sa pamamagitan ng World Trade Organization (WTO), ang mga negosasyon para ganap na maisakatuparan ang General Agreement on Trade in Services o GATS.

Ang GATS ay isa sa mga kasunduang nabuo sa Uruguay Round ng GATT noong 1994. Saklaw nito ang liberalisasyon at deregulasyon ng mga serbisyo hindi lamang sa sektor ng komersyo, kundi maging sa mga pampublikong institusyon at utilities. Kahanay ang GATS sa mga krusyal na kasunduan para sa sektor ng agrikultura, pamumuhunan at kalakalan. Sa pamamagitan ng GATS, mapapasok na ng mga dayuhang kumpanya ang mga negosyo at institusyon na dati'y nakalaan para sa mga lokal na negosyante at sa gubyerno.

Nirerepaso ito ngayon ng WTO upang lalo pang palawakin ang saklaw na mga serbisyo at sa proseso ay brasuhin ang kalakhan sa mga kasaping bansa ng WTO na magpahanggang ngayon ay tumatangging pumasok sa GATS.

Naging sentro ang mga negosasyon sa GATS matapos bumagsak ang mga negosasyon para sa Multilateral Agreement on Investments (MAI) noong 1998, ang mga usapang pangkalakalan sa Seattle, USA noong 1999 at ang Fifth Ministerial Meeting ng WTO sa Cancun, Mexico nitong Setyembre. Tumampok sa Cancun ang pag-aalma na ng maliliit na bansa sa ibayo pang liberalisasyon sa kalakalan na isinusulong ng US, EU at Japan.

Pumasok na ngayon sa pinakamaigting na bahagi ang mga negosasyon sa GATS. Pinipinal na kung aling mga serbisyo ang lubusang isasabak sa liberalisasyon at kung alin ang ititira sa mga bansa. Inilulunsad sa naturang mga negosasyon ang pambabraso at panggigipit ng mga imperyalistang bansa sa mga malakolonya.

Mga saklaw na serbisyo

Walang malinaw na depinisyon ang WTO sa kahulugan ng �serbisyo� sa konteksto ng GATS. Naglaan lamang ito ng mga kategorya: negosyo; komunikasyon; konstruksyon at iba pang kaugnay na serbisyong engineering; distribusyon; edukasyon; kalikasan; pinansya; mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan; turismo at paglalakbay; libangan, kultura at palakasan; transportasyon at napakarami pang iba.

Ayon sa WTO Secretariat, 42 bansa pa lamang ang nagbukas ng kanilang mga ospital sa GATS. Labinlimang bansa naman ang nagbukas ng mga kaakibat na serbisyong pangkalusugan, katulad ng mga laboratoryo at iba pa. Pitumpu't walong bansa naman ang nagbukas ng kanilang segurong pangkalusugan. Kumpara sa bilang ng mga bansang naobliga nang magbukas sa iba pang kategorya, pinakamaliit na bilang ng mga bansa ang napagbukas ng kanilang mga serbisyong pangkalusugan, gayon na rin ng kanilang sektor ng edukasyon. Desperado ngayon ang WTO na itulak ang paparami pang mga bansa na buksan ang naturang mga batayang serbisyo sa lubos na liberalisasyon.

Todo-todong liberalisasyon

Ayon sa GATS, kailangang igawad ng isang bansa ang istatus na "Most Favored Nation" sa lahat ng mga bansang pumasok sa kasunduan. Ibig sabihin, kapag may buksa na isang bansa, kailangang papasukin na sa bansang iyon ang pang bansa.

Sa pamamagitan ng patakarang �National Treatment�, dapat na ring pagpantayin ang mga karapatan ng mga dayuhan at lokal na kumpanya.

Itinatakda ng WTO ang pagtatanggal ng mga subsidyo sa mga serbisyong panlipunan ng mga gubyerno dahil malilimitahan nito ang mga negosyong nais itayo ng mga imperyalista.

Iniuutos din ang pagtatanggal ng mga restriksyon at regulasyon sa pagnenegosyo ng mga kumpanya sa serbisyo. Kabilang dito ang pagtatanggal sa mga lokal na patakarang nagtitiyak sa pangangalaga sa kalikasan at kalusugan ng mamamayan.

Wala na ring puwang para mabago o maiurong ang mga komitment ng mga bansa sa GATS. Tinanggal ng WTO ang karapatan ng mga bansa na magpatupad ng sariling mga patakarang taliwas sa GATS. Maaaring patawan ng parusa ang alinmang bansang hindi tutupad sa mga kasunduan.

Tugon ng papet na rehimen

Sa ngayon, nagkukunwaring bumabatikos ang rehimeng Arroyo sa ilang mga patakaran ng WTO at ilang mga maniobra ng amo nitong imperyalismong US. Gayunpaman, patuloy nitong ipinatutupad ang mga mapangwasak na patakaran ng imperyalistang globalisasyon sa bansa. Ipinagpapatuloy at pinasasahol pa ng rehimen ang liberalisasyon ng mga serbisyo na binuksan na ng GATS at ng iba pang programa sa "globalisasyon." Nakatakda rin itong magbukas sa mga dayuhan ng iba pang larangan ng serbisyo sa kabila ng mariing pagtutol dito ng mga nasa sektor ng serbisyo.

Noong 1994, ibinukas sa GATS ng reaksyunaryong gubyerno ang liberalisasyon sa serbisyong pampinansya (mga bangko at seguro), komunikasyon, transportasyon at turismo. Binigyang-laya naman ng rehimeng Ramos ang mga dayuhang korporasyon na kontrolin ang pagbibigay ng serbisyo sa tubig at kalusugan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bagong programang amnestiya ng rehimeng Arroyo

Isa na namang pagtraydor sa mamamayan

Usapang NDFP-GRP
Wala pa ring kaisahan

Paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa
General Agreement on Trade in Services
Ibayong pagsasamantala, ibayong pahirap
Operasyong militar sa panahon ng tigil putukan:
230 pamilyang Aeta nagsilikas

Mga Ulat Koresponsal
Christians for National Liberation

Lumalakas, sumusulong

Mga Ulat Koresponsal
Radyo Gil-ayab sa Cagayan

Dagdag na armas sa gawaing edukasyon, propaganda at kultura

Pagtatanghal ng kambal-dula
Pagsasabuhay sa makauring kultura at sa diwa ni Gat Amado

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.