![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nagsayawan, nagkantahan at nagdiwang ang libu-libong mga demonstrador sa Cancun, Mexico nang matapos ang kumperensya roon nang walang naabot. Apat na araw nilang matapang na hinarap ang daan-daang militar at pulis na idineploy ng gubyerno ng Mexico upang tiyakin na hindi sila makalalapit sa lugar na pinagdausan ng kumperensya. Umabot sa 10,000 aktibistang kontra-globalisasyon ang nagtipon doon. Sa ikalawang araw ng protesta, walang awang pinagpapalo at tinirgas ng mga pulis na anti-riot ang ilandaang demonstrador na nagpupumilit makalusot sa sampung kilometrong harang at makapal na pwersang panseguridad sa sentro ng pinagdadausan. Dalawa ang nasugatan sa mga nagpoprotesta. Naglunsad noong Setyembre 13 ng �pandaigdigang pag-aalsa� laban sa WTO ang International League of People�s Struggle (ILPS) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-International Chapter. Sa araw ding iyon, lumahok sa �Worldwide Day of Action Against Corporate Globalization and War� ang 31 grupo at organisasyon sa iba�t-ibang bahagi ng mundo.
Isang malagim namang protesta ang ginawa ni Lee Kyang Hae, 55 taong gulang na lider ng Federation of Farmers and Fishermen ng South Korea nang saksakin nito ang sarili hanggang mamatay. Ang pagbuwis ng sariling buhay ni Lee, ayon sa isa pang lider magsasakang Korean, ay nagsasalamin ng pakikipaglaban ng 3.5 milyong magsasaka sa South Korea. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|