![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sampung tropa ng kaaway ang napatay sa anim na magkakahiwalay na armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa iba't ibang dako ng kapuluan mula Nobyembre 10-14. Apat na sundalo naman ang nasugatan sa mga labanan. Sa Davao Oriental, tatlong elemento ng PNP 1105th Provincial Mobile Group ang namatay sa reyd ng mga Pulang mandirigma sa detatsment nito sa Barangay Baculin, Baganga noong Nobyembre 13. Ang mga pulis ay kabilang sa lima-kataong tim na nagpapatrulya malapit sa detatsment nang ilunsad ang reyd. Dalawang M16 ang nasamsam mula sa reyd. Sa Davao del Norte, dalawang sundalo ng Philippine Army ang napatay at isa ang nasugatan nang tambangan ng BHB ang kanilang yunit sa bayan ng Talaingod noong Nobyembre 14. Sa Zambales, dalawang pulis na kabilang sa nag-ooperasyong mga elemento ng PNP Special Action Force ang napatay nang isnaypin sila ng mga Pulang mandirigma sa Barangay Pangolingan, Palauig noong Nobyembre 13. Sa Kalinga, isang sundalo ng Charlie Company ng 21st IB ang napatay at isa ang nasugatan sa ambus ng BHB sa Barangay Gamalan, Gawaan noong Nobyembre 13. Sa Abra, dalawang sundalo ang napatay nang tambangan ng isang iskwad ng BHB ang lakas-platung pwersa ng 41st IB at yunit komando ng Philippine Army sa Barangay Nagaparan, Danglas noong Nobyembre 12. Planong ambusin ng mga sundalo ang yunit ng BHB subalit naunahan sila ng mga gerilya. Bago ito, tatlong sundalo mula sa 4th Scout Ranger Coy ang nasugatan nang makalaban nila ang mga gerilya ng Pulang Bagani Command sa Sityo Tagbon, Barangay Candiis, Laac, Compostela Valley noong Nobyembre 10. Kabilang sa mga sugatan si Capt. Lito Maramba, punong upisyal ng nag-ooperasyong yunit ng kaaway. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|