Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Langis, Kuryente, Tubig:
Protesta ng mamamayan sa pagtataas ng presyo at singil

 Read this article in English

Inilunsad noong Abril 24 ang isang malawakang protesta laban sa mga monopolyong kumpanya sa langis, kuryente at tubig dahil muli nilang itinaas ang presyo ng kanilang mga produkto at serbisyo. Sa bigat ng epekto nito, parang tinamaan ng tatlong magkakasabay na sakuna ang mamamayan.

Umabot na sa P1.37 kada litro ang itinaas ng presyo ng langis mula Enero hanggang Abril. Nitong Mayo 17 at 18, itinaas muli ng mga kumpanya sa langis ang presyo nang P0.39 bawat litro. Tinatayang aabot nang P1.00 bawat litro ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong buwan. Idinadahilan ng kartel ng tatlong kumpanyang langis (Petron, Shell at Caltex) na tumaas na naman ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa mga nakaraang buwan, umabot sa 100-116% ang itinaas ng singil sa kuryente sa Kamaynilaan, Gitnang Luzon at Timog Katagalugan o mga lugar na bumibili ng kuryente sa Meralco dahil sa di makatarungang singil para sa PPA (purchased power adjustment). Ang PPA ay dagdag na singil sa kuryente upang tiyakin ang tubo ng mga independent power producer (IPP). Maanomalya ang PPA dahil sa pamamagitan nito, pinababayaran ang buong kapasidad ng mga IPP, kahit malaking bahagi ng kapasidad nila ay di nagagamit. Sa pamamagitan ng PPA, binabayaran ng mga konsyumer ang singil ng mga IPP sa 5,000 megawatts na sobrang kapasidad nila na hindi nakokonsumo. Ang ganitong mga sinisingil sa PPA ay bunga ng mga maanomalyang kontrata na binuo sa pagitan ng NAPOCOR at mga IPP sa panahon pa ng rehimeng Ramos para punuan ang malaking kakulangan noon sa suplay ng kuryente.

Sa kaso ng Meralco, ang P2.5835 (o 80%) sa kasalukuyang sinisingil nito na P3.2341/kwh na PPA ay bayad lamang sa "independent power producer" na tulad ng Meralco ay pag-aari rin naman ng mga Lopez.

Gusto ng Meralco na lalo pang palakihin ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng bagong sistema ng "unbundling" o paghahati-hati ng singil sa sumusunod na mga sangkap: generation, transmission, distribution, supply, metering at universal charges. Ito ay alinsunod sa Power Reform Act. Di hamak na mas malaki ang lalabas na singil (dagdag na P1.12 bawat kwh) batay sa ginawang pormula ng Energy Regulatory Commission para sa "unbundling".

Inianunsyo naman ng Maynilad at Manila Water Works noong Abril na itataas nila ang singil sa tubig nang hanggang 94%. Kasalukuyang may nakasampang kaso laban dito.

Umabot na sa P1.37 kada litro ang itinaas ng presyo ng langis mula Enero hanggang Abril. Tinatayang aabot nang P1.00 bawat litro ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong buwan. Idinadahilan ng Petron, Shell at Caltex na tumaas na naman ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ang kampanya laban sa pagtaas ng singil sa kuryente ay pinamumunuan ng BAYAN at POWER, isang malawak na koalisyon na kinabibilangan ng mga organisasyong masa, komunidad ng maralitang lunsod, mga organisasyon ng mga mamimili, asosasyon ng mga panggitnang pwersa, taong simbahan at iba pang sektor.

Nagsagawa ng 15-minutong "black-out protest" ang koalisyon noong Abril 29 na nilahukan ng maraming komunidad sa Metro Manila. Nagkaroon din ng iba't ibang porma ng protesta kabilang ang pagtatatak ng "Under Protest" (may pagtutol) sa electric bill ng Meralco. Isa ring grupo ng kababaihan, ang Ilaw ng Kababaihan, ay nagsunog ng mga electric bill bilang simbolo ng protesta. Mayroon ding mga nagpepetisyon, nagsampa ng kaso sa mga korte at nagdaraos ng pag-aaral sa isyu sa mga "bayad center" ng kuryente at tubig.

Sa mga prubinsya, nakaamba rin ang pagtaas ng singil ng mga kooperatiba sa kuryente dahil sa pagtaas ng NAPOCOR sa singil nito sa PPA at CERA (currency exchange rate adjustment o paghbabago-bago ng singil batay sa palitan ng piso sa dolyar). Marami nang mga kooperatiba ang pinutulan ng NAPOCOR ng kuryente dahil hindi sila nakapagbabayad.

Sa tindi ng protestang bumabatikos sa "tatlong sakuna", napilitan ang kongreso at Malakanyang na pumapel at magkunwang magsasagawa ng mga pag-aaral upang pigilin ang pagtaas ng presyo. Napilitan din ang korte na iutos ang pansamantalang pagtigil sa pagtaas ng singil sa kuryente at tubig.

Nitong Mayo 9, napilitan si Macapagal-Arroyo na iutos sa NAPOCOR ang pagbawas sa sinisingil nitong PPA mula sa abereyds na P1.25 tungong P0.40/kwh. Bagamat makapagbibigay ito ng kagyat na ginhawa sa anyo ng mas mababang singil, iginigiit ng mga militanteng grupo na ibasura nang buo ang PPA.

(Para sa mas detalyadong pagtalakay sa langis at kuryente, basahin ang mga praymer na inilathala ng Kawanihan sa Impormasyon ng PKP: Monopolyo atbp. at Ang Electric Power Industry Reform Act of 2001.)

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang tuluy-tuloy at papataas na antas ng interbensyong militar ng US sa Pilipinas

Panghihimasok ng imperyalismong US
Walang habas na paglabag sa karapatang-tao sa Sulu
Usapang pangkapayapaan, isinara ng rehimen
Samantalahin ang tumitinding mga hidwaan ng mga reaksyunaryo
Tungkol sa planong Constitutional Convention
Langis, Kuryente, Tubig:
Protesta ng mamamayan sa pagtataas ng presyo at singil
Pagpapatalsik kay Macapagal-Arroyo iginiit nitong Mayo Uno
Mga pagkilos sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
Rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Nepal
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.