![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang CAFGU ay lokal na armadong galamay na ginagamit ng AFP sa paniniktik, panggigipit at marahas na pagkontrol sa lokal na populasyon. Gumagampan ito ng kritikal na papel sa pagsisikap ng kaaway na pagkaitan ng base ang rebolusyonaryong kilusan. Karaniwang ang mga elemento ng CAFGU ang mga pinakaaktibong kontra-rebolusyonaryong elemento sa lokalidad. Malaking bahagi sa kanila ay mga elementong lumpen na naghahangad ng madaliang kita. Sadyang ibinubuyo ng kaaway ang mga elmento ng CAFGU sa mga pasistang pang-aabuso para nakakagamit sila ng kamay na bakal nang may lusot o may ibang mapagbubuntunan ng sisi — bukod pa sa mas pwersadong lumaban ang mga CAFGU habang mas umiigting ang alitan nila sa lokal na populasyon at rebolusyonaryong kilusan. Bagamat kinikilala, pinalalala at sinasamantala natin ang mga kontradiksyon sa pagitan ng CAFGU at mga regular na yunit ng AFP, at kung ihahambing sa huli ay mas ginagamitan natin sila ng pampulitikang paghimok, ang CAFGU ay kabilang sa mga pangunahing target militar ng BHB. Mula't sapul, nilalabanan at pinipigilan ng rebolusyonaryong kilusan ang pagrerekrut at pagbubuo ng mga ditatsment ng CAFGU at kung mabuo na ay ginagamit ng iba't ibang paraan para madurog, mabuwag, madisarmahan o mapalayas sila. Partikular sa Cordillera, ang aspetong pampulitika ng gawain upang lansagin ang CAFGU ay nagsasaalang-alang sa mga relasyong tradisyunal at komunal bilang dagdag na pamamaraan. Partikular na isinasaalang-alang ang sumusunod na tatlong mahahalagang punto: Ang mga sumasapi sa CAFGU ay mula rin sa hanay ng mga pambansang minorya na inoorganisa ng rebolusyonaryong kilusan. Dumaranas sila ng matinding kahirapan dulot ng kawalan ng hanapbuhay at kapabayaan at pang-aapi ng reaksyunaryong estado. Ang pagsapi nila sa CAFGU ay kadalasan para lamang makakuha sila ng kakarampot na alawans mula rito at wala silang hangaring kalabanin ang rebolusyonaryong kilusan. Ang mga pambansang minorya ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa pagiging bahagi ng kanilang ili (katutubong komunidad). Hindi nila ihinihiwalay ang sarili sa ili. Ito ang naghuhugis ng kanilang identidad bilang indibidwal. Ang katutubong kaugaliang ito ay nalalabag sa pagsapi ng iilan sa CAFGU. Ibinubunga nito ang pagkakahiwalay ng sarili sa kapakanan, kapasyahan at galaw ng buong komunidad. Ang pagbubuo ng CAFGU ay paglabag din ng mga tagalabas sa kultura at institusyong sosyo-pulitikal ng ili. Ang mga entidad na pumapasok sa komunidad ay inaasahang gagalang sa kultura, mga proseso, mga patakaran at kapakanan ng komunidad. Kung hindi, ituturing silang mga kaaway. Para sa mga pambansang minorya, napakaimportanteng panatilihin ang pagkakaisa ng ili. Kabilang dito ang pagkilala sa sosyo-pulitikal na awtoridad ng dap-ay1 na kinakatawan ng mga lallakay2. Ang mga indibidwal na sumasapi sa CAFGU ay nahihiwalay sa ili dahil pumapailalim na sila sa awtoridad ng AFP at gayo'y nawawala sa saklaw ng awtoridad ng dap-ay. Sa gayon, itinuturing nang kaaway ng mga pambansang minorya sa Cordillera ang AFP dahil hindi nito nirerespeto ang dap-ay at winawasak nito ang kaisahan ng ili. Sa mga lugar na ito, kasabay ng tuwirang pakikipag-usap at paghihimok sa mga nakakaugnayang elemento ng CAFGU ay binibigyan ng BHB ng malaking pagsasaalang-alang ang mga katutubong kaugalian at institusyon para sa epektibong gawaing pampulitika, kabilang na ang pagwawasak ng mga CAFGU. Kaugnay nito, napakalaking tulong ang nagagawa ng mga lallakay at dap-ay. Hinihimok ng mga lallakay ang mga sumapi sa CAFGU na kumalas na rito at pinagkakaisahan ito sa loob ng dap-ay. Katulong din sa panghihimok sa kanila ang mga kamag-anak nilang aktibista at myembro ng rebolusyonaryong kilusan sa komunidad. Ayon kay Ka Filiw, dahil kabilang sa uring inaapi at pinagsasamantalahan ang karamihan sa mga elemento ng CAFGU, damang-dama nila ang kahirapang dinaranas ng kanilang uri. Kinukumbinsi silang hangga't maaga ay iwasan nilang makaperwisyo at magkaroon ng kasalanan sa ili at rebolusyonaryong kilusan o kung nagkaroon na ay agad na ituwid ang kanilang mga pagkakamali sa kanilang uri at sa ili. Ipinaliliwanag din sa kanila na hindi sapat ang kakarampot na alawans para itaya ang buhay nila, tumalikod at mahiwalay sa angkan at sa ili. May inani nang mga tagumpay ang mga pagsisikap na ito, ayon kay Simon "Ka Filiw" Naogsan. Sa minimum, nanunyutralisa ang mga elemento ng CAFGU upang di lumaban sa mga rebolusyonaryong pwersa. Ngunit marami ang kaso kung saan nakikipag-ugnayan sila at aktibong tumutulong sa mga pangangailangan at operasyon ng BHB. Isang pamamaraan lamang ang paglilihim nila sa kanilang mga AFP cadreman ng mga impormasyon hinggil sa rebolusyonaryong kilusan at pagpasa sa BHB ng mga impormasyon tungkol sa mga pagkilos ng kaaway. Mayroong mga kasong tahasan silang tumangging sumama sa mga operasyong militar ng AFP. Sa ilang baryo sa Mt. Province, nagkaroon na ng karanasang buo-buong yunit ang nakumbinsing tumiwalag sa CAFGU. May mga kaso ring sumasama ang maraming CAFGU sa mga taktikal na opensiba ng BHB gamit ang mga sandatang inisyu sa kanila. Mayroon namang kumalas mula sa CAFGU upang tuluyang sumapi na sa BHB.
![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|