![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Tumungo sa US si Defense Sec. Angelo Reyes nitong Agosto 10-20 upang makipag-usap kay US Defense Sec. Donald Rumsfeld kaugnay umano ng "pagpapatibay sa relasyong pandepensa" ng dalawang gubyerno. Nagkaisa sina Reyes at Rumsfeld na buuin ang Defense Policy Board para magsilbi umanong "bukas na linya ng estratehikong pag-uusap". Ang Defense Policy Board ay magsisilbing lihim na tagapayo ng kalihim ng depensa at ng AFP sa mga usapin ng digma. Ang istruktura at mga tungkulin nito ay ipapadron sa Defense Policy Board ng US na tumatayo ngayong lihim at konspiratoryal na konsehong pandigma ng gubyernong Bush. Sa pamamagitan nito, pag-iibayuhin ng US ang kontrol sa mga susi at taktikal na usaping militar ng papet na republika. Bagamat noong una�y pinabulaanan ni Reyes na kabilang sa kanilang adyenda ang Mutual Logistics Support Agreement, inihayag niya nitong Agosto 14 na pinag-usapan nga nila ni Rumsfeld kung paano mapagtitibay ang kasunduan nang hindi na idadaan sa ratipikasyon ng Senado. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|