Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Lalong humihina ang AFP sa pagsingaw ng mga kabulukan nito

 Read this article in English

Pilit mang pagtakpan ng rehimeng US-Arroyo at mga namumunong heneral nito, di mapigilan ang pag-alingasaw ng malakihang korapsyon sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP), laluna sa hanay ng pinakamatataas na upisyal nito. Ang nabubunyag na malalaking kaso ng korapsyon ay palatandaan ng sagad-sa-butong kabulukan ng AFP.

Ang kabulukang ito sa loob ng AFP ay tuwirang ibinubunga ng pagiging mersenaryo at pasistang hukbo nito. Ang kabulukan ng ipinagtatanggol nitong naghaharing sistema ay yaon ding kabulukang umiiral sa loob ng hanay ng AFP. Ang AFP, laluna sa pinakamatataas na andana nito, ay kaharian ng mga milyunaryong heneral, pawang mga burukratang kapitalistang nagpapayaman gamit ang hawak nilang kapangyarihan.

Ang malakihang korapsyon at kriminalidad ng pinakamatataas na heneral ng AFP at ang mga pagtatangkang pagtakpan ang mga ito ay nag-uudyok ng malawakang galit ng mamamayang labis na naghihikahos. Ang galit ng mamamayang Pilipino sa korapsyon sa loob ng AFP ay katulad ng galit nila sa nakamumuhing korapsyon ng mga upisyal ng rehimeng Arroyo na nagpapakasasa sa milyun-milyong pisong nakaw na yaman habang milyun-milyon ang lubog sa kumunoy ng kahirapan.

Ang korapsyon ng mga pinunong heneral ng AFP ay nag-uudyok ng gayon ding galit sa hanay ng mga ordinaryong sundalo at nakabababang upisyal ng militar lalupa�t sila ang pangunahing mga biktima nito. Habang nagpapakasasa ang mga bundat na heneral, ang mga karaniwang sundalo at nakabababang upisyal ng AFP ang nagdurusa sa palaging naaantalang mababa na ngang sweldo, napakaliit na pensyon, kakulangan at mababang kalidad ng mga kagamitan at iba pa.

Niyayanig ang AFP at rehimeng US-Arroyo ng nabubunyag na mga kaso ng korapsyon ng mga namumunong heneral. Lalo nitong pinalalalim ang hidwaan at pagkakawatak-watak sa loob ng AFP. Lalo itong mag-uudyok ng mga aksyong protesta ng mga karaniwang sundalo at nakabababang upisyal ng AFP. Pinahihina nito ang kanilang determinasyon na ipagtanggol ang naghaharing sistema.

Walang kakayahan ang AFP o ang buong reaksyunaryong sistema na maglinis ng sarili. Likas sa kasalukuyang sistema na balutin ng korapsyon ang militar at burukrasyang sibil.

Ang AFP ang pinakakonsolidadong organisasyon ng mga reaksyunaryo na nangungunang tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng kasalukuyang sistema. Ang paghina nito ay nangangahulugan ng paghina ng depensa ng reaksyunaryong naghaharing sistema, laluna laban sa banta ng lumalakas na armado at di armadong paglaban ng aping mamamayang Pilipino. Kung kaya gayon na lamang ang pagkabahala ng mga naghaharing uri sa mga iskandalong yumayanig ngayon dito.

Ngunit sa mata ng mamamayan, ang paghina ng AFP ay isang magandang bagay. Nangangahulugan ito ng paghina ng kakayahan nitong manalanta at mandahas sa mamamayan. Sa paghina ng AFP, napapabilis din ang pagtatagumpay ng rebolusyonaryong armadong kilusan.

...tiyak na lalo pangmabubulok ang militarat pulisya kasabay ngpagkabulok ngnaghaharing sistema.
Responsibilidad ng mga rebolusyonaryong pwersa na samantalahin ang kasalukuyang kaguluhan sa loob ng AFP at lalo pang palalimin ang hidwaan sa hanay ng militar at pulisya.

Pangunahing tungkulin sa harap nito ang lalo pang pagpapaigting ng armadong rebolusyon. Sa partikular, kailangang ilunsad ang papalaki at papadalas na mga taktikal na opensiba. Kailangang puspusang hanapin ang mahihinang bahagi ng AFP at PNP at walang humpay na bigwasan ang mga ito. Ang bawat matagumpay na taktikal na opensiba ay lalong nagpapahina sa loob ng mga pwersa ng AFP at PNP at bumabagbag sa kanilang pagkakaisa.

Kasabay nito, kailangang puspusang makipag-ugnayan sa mga karaniwang elemento at nakabababang upisyal ng AFP at PNP na dumadaing sa kabulukan ng organisasyon ng militar at pulisya. Maaari natin silang tulungan sa pagbubuo ng mga demokratikong samahan sa loob ng militar at pulisya at hikayatin silang magsagawa ng mga lihim at hayag na sama-samang pagkilos upang ipagtanggol ang kanilang kagalingan.

Sa nakaraan, ang ganitong pakikipag-ugnayan sa mga karaniwang sundalo at pulis at kanilang nakabababang mga upisyal ay nagsisilbing batayan para sa mas malawak na ugnayan at pakikipagtulungan.

Ang mga nauugnayang pwersa sa loob ng militar, pulisya at CAFGU, laluna yaong mga karaniwang tauhan na nagmula rin sa hanay ng mga aping uri, ay maaaring hikayatin na lumahok sa rebolusyonaryong kilusan. Maaari silang magbuo ng mga lihim na sangay ng Kilusang Lt. Crispin Tagamolila sa loob ng kanilang kinabibilangang yunit, maglunsad ng mga pag-aaral, magrekrut ng iba pang mga tauhan at makipagtulungan sa BHB.

Kabilang sa pakikipagtulungan sa BHB ang pagbibigay ng mga sundalo ng mahahalagang taktikal na impormasyon hinggil sa kanilang mga operasyon. Marami nang karanasan kung saan buu-buong mga yunit ng CAFGU o maging ng PNP ay lihim na kumikilala sa pamumuno ng mga rebolusyonaryong organisasyon.

Hikayatin din natin ang pagbubuo ng kampanya para lisanin ang bulok na AFP, PNP at CAFGU. Alam natin na karamihan ng mga karaniwang tauhan nito ay nananatili doon dahil wala silang hanapbuhay. Ipakita natin sa kanila ang pinsala at lupit na idinudulot ng kanilang mga operasyong militar laban sa mamamayan at hikayatin silang maghanap ng alternatibong ikabubuhay.

Sa hinaharap, tiyak na lalo pang mabubulok ang militar at pulisya kasabay ng pagkabulok ng naghaharing sistema. Sa kabilang panig, lalo pang lalakas ang digmang bayan habang milyun-milyong mamamayan ang sumasanib sa Bagong Hukbong Bayan at iba pang mga rebolusyonaryong organisasyon.

 


 Back to topNext article

21 Oktubre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lalong humihina ang AFP sa pagsingaw ng mga kabulukan nito
Pinakahuling mga anomalya at kaso ng korapsyon sa AFP
Malulubhang krimen ni Tabara
Food coupons ng rehimen, mumo para sa ginugutom na mamamayan
Matatagumpay ng mga opensiba ng BHB:
Mga taktikal na opensiba, inilunsad sa Southern Tagalog

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.