![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang mga "teroristang pambobomba" nitong Marso at Abril sa Davao, ang magkakasunod na pagpapasabog ng mga moske at iba pang pampublikong lugar sa Mindanao, at maging ng mga pagpapasabog noong nakaraang taon sa Metro Manila ay kagagawan ng mga taong tumatanggap ng mga utos mula sa mga ahensya ng US at Malakanyang. Isa sa mga taong ito si Michael Terrence Meiring. Sino si Michael Meiring? Isa siyang Amerikanong eksperto sa mga pasabog na ahente ng Central Intelligence Agency. Kumikilos siya sa ilalim ng direksyon ng mga ahensyang US at mga katuwang na ahensya sa Pilipinas. Noong Mayo 16, 2002, nalantad ang modus operandi ni Meiring nang kinailangan siyang dalhin sa isang ospital sa Davao matapos siyang masabugan ng inihahanda niyang bomba. Nasa loob siya noon ng kanyang kwarto sa Evergreen Hotel sa Davao City. Tumampok ito sa balita dahil naganap ang aksidente sa gitna ng mga "teroristang pambobomba" noon sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Bago lubusang malantad, dali-daling kinuha sa Davao si Meiring ng mga ahente ng National Security Agency, isang ahensyang direktang nakapailalim sa Malakanyang, at ng US Federal Bureau of Investigation. Pagdating ng Maynila, kaagad siyang itinago ng US embassy at agad na inilipad sa US naval base sa San Diego, California. Ang kanyang mga bayarin sa ospital sa Davao ay inareglo na lamang ni Vice Consul Michael Newbill ng US embassy. Mahigit sampung taon nang nasa Pilipinas si Meiring. May isang taong bumase siya sa Metro Manila at hilagang Luzon. Subalit sa kalakhan ng panahon ay nakabase siya sa Mindanao. Marami siyang inarmasan at tinuruan ng paggamit ng mga pasabog sa Mindanao. Mahigpit ang kuneksyon niya sa Abu Sayyaf na karaniwang nagpapabili sa kanya ng mga sandata, gamit ang mga US Federal Reserve notes na nakamkam sa kidnapping. Naging mahalaga si Meiring sa pamunuan sa militar ng US at Pilipinas para sa sikretong pagkokoordina ng mga "teroristang pambobomba" sa Mindanao noong nakaraang taon. Sa muling paghahasik ng lagim ng US at ng rehimen, mistulang narito na naman si Meiring sa Pilipinas. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|