![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Masbate: Tinambangan ng mga Pulang mandirigma ang tropa ng Philippine Air Force sa Barangay Cabrera, Dimasalang, Masbate noong Pebrero 3. Isang sundalo ang napatay at 12 ang sugatan. Cagayan. Matagumpay na tinambangan ng isang platun ng Bagong Hukbong Bayan-Fortunato Camus Command sa kanlurang Cagayan nitong Pebrero 1 ang mga tropa ng 17th IB at kasama nitong CAFGU. Apat na sundalo at isang elemento ng CAFGU ang napatay habang nasugatan ang tatlo pang sundalo. Nagpapatrulya ang mga elemento ng Bravo Company sa Sityo Escolta, Barangay Dungan, Rizal nang ambusin sila bandang alas-6 ng umaga. Sumaklolo ang dalawang helikopter ng Philippine Air Force ngunit hindi na nito naabutan ang mga Pulang mandirigma. Catanduanes. Sinalakay ng isang platun ng BHB ang imbakan at kinumpiska ang matataas na kalibreng baril ni Meyor Armando T. Guerrero ng Gigmoto noong Enero 20. Nasugatan sa reyd ang alkalde. Ayon kay Theresa Magtanggol, tagapagsalita ng Eduardo Banaag Command-BHB ng Catanduanes, walang planong saktan ang alkalde. Ngunit nagmatigas at nanlaban ito kaya napilitang barilin siya ng BHB upang manyutralisa. Dating pulis si Meyor Guerrero at pantabing sa pagiging "warlord" niya ay ang kanyang security agency. Ginagamit niya itong panakot hindi lamang sa kanyang mga karibal sa pulitika kundi, higit sa lahat, sa mamamayan. Protektor din siya ng mga sindikato sa iligal na droga sa Catanduanes. ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|