Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Igiit at ipagtanggol ang ligal at demokratikong pakikibaka ng mamamayan

 Read this article in English

Mabilis na nagkakasunud-sunod at dumarami ang kaso ng mararahas at matitinding panunupil ng reaksyunaryong estado at iba pang mga pasistang pwersa sa nakikibakang mamamayan.

Kamakailan lamang, nadagdagan ang humahabang listahan ng mga biktima ng panunupil ng AFP at mga grupong paramilitar nito nang brutal nilang patayin ang apat na kabataang aktibista sa Compostela Valley sa Mindanao at dukutin ang isa pa sa Cebu. (Tingnan ang kaugnay na artikulo).

Bago ito, tumampok ang pagpatay sa mga mamamahayag na aktibong bumabatikos sa korapsyon, kabulukan at karahasan ng reaksyunaryong gubyerno at burukrasya, mga oportunistang pulitiko, mga pinunong militar, mga sindikatong kriminal at iba pang elementong naninibasib at naghahari sa lipunan.

Ang pagsahol ng pasistang teror ay tanda ng desperasyon ng mga pasista na supilin ang umiigting na paglaban ng mamamayan. Ang reaksyunaryong estado at mga pasistang pwersa sa pamumuno ngayon ni Presidente Arroyo ay ibayong nagiging di mapagparaya sa mga manggagawa, magsasaka at iba pang inaapi at pinagsasamantalahang sektor. Sa pangunahin, nakatuon ang pinakamararahas na pasistang atake sa mga ligal na demokratikong pwersang mapangahas na naglalantad at bumabatikos sa nakikita nilang sobra-sobrang pang-aapi, kabulukan at kainutilan ng umiiral na gubyerno, estado at sistemang panlipunan at nagpupursiging pumukaw, mag-organisa at magmobilisa ng mamamayan. Malaki ang pangamba ng rehimen sa masigasig na pagkilos ng mga demokratikong pwersa para ilantad ang pinakahuling matitinding kaso ng garapal at malakihang korapsyon ng Malakanyang at manawagan para sa pagpapatalsik kay Gloria Arroyo.

Bunga rin ng kabiguan ng AFP na pigilin ang paglakas ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka, itinutuon nila ang kanilang mga baril at kanyon sa mga di-armadong sibilyan at aktibista at binibigyang-matwid ang mga paglabag sa karapatang-tao sa pamamagitan ng paulit-ulit na linya na ang mga ito ay mga prente ng mga komunista.

Walang hangganan ang ambisyon sa panunupil ng kasalukuyang rehimen at ng amo nitong imperyalismong US. Patuloy at paulit-ulit nitong tinatangka at minamaniobra ang pagsasabatas ng mga pasistang hakbanging katulad ng National ID System at panukalang kontra-terorismo.

Sa harap ng mga ito, kailangang matamang bigyang-pansin ng mga rebolusyonaryo at demokratikong pwersa, mga tao sa masmidya at iba pa ang mapangahas na paglalantad at pagkundena sa pasistang estado at mga berdugo, laluna sa mga utak ng walang pangingiming pasistang terorismo sa layuning sindakin at paatrasin ang paglaban ng mamamayan. Kailangang tuluy-tuloy na manawagan sa mamamayan na huwag manahimik bagkus ay ibaling ang pagdadalamhati tungo sa mapangahas na pagtindig, pagtutol at pagpapalakas ng kilusang protesta laban sa pasismo at reaksyon. Kailangan ang ibayong determinasyon at sigasig na pukawin, organisahin at pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan. Kailangang lalong engganyuhin ang mga kabataan na mas malawakan at mas malalimang umugat sa hanay ng kapwa nila kabataan at sa masa ng sambayanan. Kailangang bigyan ng partikular na pansin ang pagmomobilisa rin at pagtulong ng mga gitnang pwersa.

Marapat ding laging maging mapagbantay upang malabanan at mapigilan ang pagpapataw ng mga hakbangin na maaaring humantong sa lantarang pasistang paghahari. Ipursigi ang pakikibaka para maibagsak ang mapaniil na rehimen at sa kalaunan ibagsak ang buong pasistang estado at reaksyunaryong naghaharing sistema at kamtin ang isang tunay na demokratiko, maka-mamamayan at malayang pamahalaang bayan.

Kasabay ng pagpapakita ng ibayong indignasyon at protesta ng mga demokratikong pwersa at mamamayan, ibinubunga rin ng pagtindi ng terorismo ng estado at mga pasistang pwersa ang pagsulong ng rebolusyonaryong armadong paglaban ng mamamayan. Kung tutuusin, ang pagsahol ng pasistang teror ay tanda rin ng inabot na ng labanan sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon at sa takot ng rehimen at mga pasista sa ibayong lumalakas na rebolusyonaryong paglaban. Ang rehimeng Arroyo at mga pasista na mismo ang nagtuturo sa dumaraming mamamayan sa kawalan ng anumang pag-asa sa ilalim ng naghaharing sistema. Ang walang pakundangang kalupitan at karahasan nito ay nagtutulak sa kanila na tahakin ang rebolusyonaryong landas ng pagbabago sa lipunan. Habang tumitindi ang pasistang teror sa kanayunan at kalunsuran, dadami at dadami ang sasapi at susuporta sa armadong rebolusyon.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Oktubre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Gloria Macapagal-Arroyo, numero unong ipokrita

Igiit at ipagtanggol ang ligal at demokratikong pakikibaka ng mamamayan
Pagmasaker sa apat na aktibista sa Compostela Valley, mariing kinundena
Sa Ilocos-Cordillera
Mga kasinungalingan ng AFP, binatikos ng BHB

Milyun-milyong pisong nakawan sa PAGCOR
Lumalakas, lumalawak ang rebolusyonaryong unyonismo
Gera ng mga tribo at ang bodong sa Cordillera
Sa Ibayong Dagat:
Tunggalian sa Middle East

US at Israel, umaani ng malawak na pagkundena

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.