![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa nakaraang isyu ng AB, tinalakay ang malawakang pagpapalit-gamit at pangangamkam ng lupa sa iba�t ibang bahagi ng bansa na sistematikong ipinatutupad sa pamamagitan ng mga reaksyunaryong batas tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) at mga mapanlinlang na programa ng gubyerno tulad ng Agrarian Reform Communities (ARC).
Sa Lambak ng Cagayan, ang reaksyunaryong estado ang tumatayo bilang pinakadespotikong panginoong maylupa at pinakamalaking mangangamkam ng lupa ng mga setler at minorya. Gumagamit ito ng mga mapanlinlang at mapanupil na batas upang agawan ng lupa ang mamamayan para sa kapakinabangan ng mga dayuhang korporasyon at ng lokal na naghaharing uri. IPRA: Pagyurak sa karapatan ng mga minorya Isinabatas ng rehimeng Ramos ang Indigenous People�s Rights Act (IPRA) noong 1998 sabay ang pagmamalaki na patunay ito diumano ng pagkilala at pagkalinga ng kanyang pamahalaan sa mga ansestral na lupain ng mga pambansang minorya. Subalit para sa mga Agta, Bungkalot, Igorot at iba pang mga minorya sa Lambak ng Cagayan, ang IPRA ay katumbas ng pagkawala ng kanilang karapatan sa malawak na komunal na lupain na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno at siyang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan. Tulad ng pakanang CADC (Certificate of Ancestral Domain Claim), ikinakahon ng IPRA ang mga katutubo sa mga limitadong erya na tinataguriang �ancestral domain�. Bago ideklara ang saklaw ng �ancestral domain�, sinasarbey muna ang lupain upang matuklasan kung aling bahagi nito ang pinakaproduktibo at may pinakamaraming rekursong maaaring pakinabangan. Ang mga pinakakapakipakinabang na bahagi ay inilalabas sa saklaw ng �ancestral domian� at idinedeklarang pampublikong lupain na maaari nang angkinin ng mga dayuhang kapitalista at malalaking lokal na burges kumprador at panginoong maylupa. Dahil nasarbey na ang buong lupain, 17 madaling-madali na itong isailalim sa kontrol ng estado, at bilhin, ibenta o agawin. Sa Lambak ng Cagayan, malinaw na kakambal ng IPRA at CADC ang maka-dayuhang Mining Act of 1995. Limang dayuhang minahan ang may aprubadong aplikasyon para magbukas ng kunsesyon sa buong erya ng Kasibu, Nueva Vizcaya, na ang kalakhan ay lupain ng mga minoryang Ilongot at mga setler. Ito ang Climax-Arimco Mining Corp., Dalton Pacific Mining Resources Inc., Red Earth Mining Corp., St. Patrick Mining Resources at Lasseter Mining Co. Ang Climax-Arimco, na isang korporasyong Australyano, ang siyang pinakamalaki sa mga ito. Saklaw nito ang 100,000 ektaryang lupain sa 32 baryo sa Nueva Vizcaya at Quirino. Sa pagpasok nito sa lugar, parang buwitre nitong dinagit agad ang lupa sa apat na baryo ng Kasibu at isang barangay sa Cabarroguis, Quirino. Kagyat ding ipinagbawal ng Climax-Arimco ang gold panning na pinagkukunan ng dagdag na kabuhayan ng masa. Upang supilin ang anumang protesta, itinalaga sa erya ang isang batalyon ng Regional Mobile Force ng Recom 2 ng PNP. Agad ring bumuo ang PNP-Nueva Vizcaya ng mga yunit ng Citizens Armed Forces Geograhical Unit (CAFGU) sa Kasibu. Sa tindi ng pagtutol ng mamamayan sa lugar sa Arimco, nag-inisyatiba silang magtayo ng isang armadong grupong pinamunuan ni Benjamin Buhe upang labanan ang gahiganteng korporasyon. Pinaslang si Buhe ng PNP noong 1998. Samantala, upang may tuluy-tuloy na suplay ng kuryente ang mga minahan, itinatayo ang dambuhalang Casecnan Dam. Sapilitang pinalilikas ang 13,000 minorya at mga setler sa mahigit 23 baryo sa Dupax del Norte, 18 Dupax del Sur, Nagtipunan at Alfonso Casta�eda sa Nueva Vizcaya upang maitayo ang dam. Mga Homestead: Naglalahong prontera Walang sinasanto ang estado sa pangangamkam nito ng lupa, maging ang mga setler na nagbukas ng mga homestead at malaon nang may hawak na ligal na papeles o nagbabayad ng buwis sa lupa. Kung dati�y malawak na prontera ang kabundukan at paanan ng Sierra Madre para sa mga setler mula sa Ilokos, Kordilyera, Gitnang Luzon, Bikol at Kabisayaan na nagbukas ng mga sakahan at prutasan, ngayo�y unti-unting pinatatalsik ang mga setler at inaagaw ang kanilang lupa upang tayuan ng mga plantasyon, kunsesyon sa logging, minahan, pastuhan at iba pang negosyo ng malalaking panginoong maylupa, kumprador at dayuhang korporasyon. Dalawampu�t apat na ektarya ang kinikilala ng gubyerno bilang erya ng homestead hanggang dekada �50. Noong dekada �60 ay ibinaba na lamang ito sa 18 ektarya. Nang patalsikin ang diktadurang Marcos noong 1986, kulang sa 10 ektarya ang maaaring panatilihing homestead. Binawasan ito ng isa pang ektarya sa panahon ng rehimeng Aquino at dalawang ektarya pa ang kinaltas sa ilalim ng rehimeng Ramos. Sistematikong panggigipit ang ipinatutupad ng reaksyunaryong gubyerno nitong huling mga buwan sa mga erya ng homestead sa mga liblib na baryo ng silangang Isabela: Ginagawan ng bagong sarbey ang mga lupain; ibayo itong pinaghahati sa maliliit na parsela at sinisingil ng ilang taong back taxes ang mga setler. Ang hindi makapagbayad ay inaalisan ng karapatan sa lupang kanilang hinawan at nilinang nang ilang dekada. Sa isang kakatwang paraan ng pagpapatupad ng �reporma sa lupa,� ang iba pang setler ay sinisingil ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng halagang P40,000 bawat ektarya bilang amortisasyon sa lupa sa loob ng 30 taon. Iniilit ng Land Bank ang lupa ng mga hindi makapagbayad at ibinebenta ito sa halagang P100,000 bawat ektarya sa mga negosyante at panginoong maylupa. Ang ganitong ligal na paraan ng pangangamkam ng lupa ay malawakang nagaganap sa mga bayan ng Echague, Jones at San Guillermo sa Isabela. Batay sa pagsisiyasat ng mga yunit sa gawaing masa ng Bagong Hukbong Bayan na kumikilos sa lugar, hindi bababa sa 3,600 ektarya at libu-libong katao ang naapektuhan na ng ganitong pakana. �Reforestation�: Limpak-limpak na kurakot Isa pang tusong paraan ng pag-agaw sa lupa ng mga setler at katutubo sa Lambak ng Cagayan at iba pang rehiyon ang programa sa �reforestation� at ang paggawad ng mga stewardship contract sa mga magsasaka para mapangalagaan nila umano ang kagubatan.
Bilang bahagi diumano ng �reforestation project� nito, inoobliga ng DENR ang sinumang pumasok sa stewardship contract na magtanim ng Gmelina, isang uri ng punongkahoy na mabilis gumulang at ginagamit sa industriya (fast-growing industrial tree). Ito ay kahit walang ibang tanim na mabubuhay malapit sa Gmelina dahil malakas itong humigop ng tubig. Hindi maaaring ibenta, isanla o ipamana ng isang �steward� ang lupang nasa �pangangalaga� niya. Hindi rin niya maaaring putulin at ibenta ang mga punongkahoy nang walang permiso sa DENR, na kailangan din niyang bayaran. Manatili man sa pangalan niya ang lupa, wala na rin siyang kalayaang magdesisyon hinggil dito. Ang �reforestation� ay nauso noong dekada �80 nang maglaan ng malaking pondo para rito ang World Bank. Sa panahon ng rehimeng Aquino, naglaan din ng P139 bilyon ang gubyerno bilang local counterpart sa pautang ng World Bank. Sa kabila ng napakalaking halaga ng perang inilaan para sa reforestation, nananatiling kalbo ang kagubatan. Ito�y dahil ang salapi ay kinurakot lamang ng mga upisyal ng gubyerno, mga kumpanya ng logging at mga non-governmental organizations (NGO) na kunwa�y makamasa. Ilan sa mga nakinabang ay sina dating Gob. Junie Cua (ngayo�y Presidential Adviser para sa Hilagang Luzon) na lumimas sa pondo ng reforestation para sa Quirino; Gob. Faustino Dy ng Isabela, isang logger na nagtayo ng sariling �reforestation NGO� para magsilbing daluyan ng pondo; Kong. Heherson Alvarez, dating Kalihim ng DENR sa ilalim ng rehimeng Aquino at dati ring senador; at ang dating meyor ng San Mariano na si Teodoro Go na nambulsa, kasama ng dating meyor ng Ilagan, ng halagang P2 milyon noong 1986 at P7 milyon nitong 1997. Sa Isabela, sumawsaw din at nakinabang sa kinurakot na pondong pang-reforestation ang mga �NGO� na Plan International at Silayan Cooperative. Ang Silayan Cooperative na pag-aari ng negosyanteng Tsino na si Rolando Lee ang nagsusuplay ng kahoy para sa housing project ng Plan International, isang kunwa�y mapagkawanggawang institusyong Amerikano na prente ng US Central Intelligence Agency. Sangkot din sa pakanang �reforestation� (bukod sa paniniktik at paglulunsad ng psywar laban sa rebolusyonaryong kilusan) ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na may tanggapan sa Nueva Vizcaya. Ang dating direktor ng PRRM na si Horacio �Boy� Morales ang kasalukuyang Kalihim ng DAR. Walang ibang sinasalamin ang huli kundi ang tiyak na pagpapatuloy sa ilalim ng rehimeng Estrada ng malawakang pangangamkam ng estado sa lupa ng mga setler at mamamayang minorya sa �ligal� na paraan. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|