![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Binaybay sa magkasunod na pahayag ng Melito Glor Command (MGC) na ipinaabot sa AB kamakailan ang mga dahilan sa likod ng paggawad ng rebolusyonaryong hustisya kina Mayor Cesar Platon ng Tanauan, Batangas noong Mayo 7 at Rep. Marcial Punzalan ng Quezon noong Mayo 12. Anang MGC, ikinagalak ng mamamayan ang pagpaparusa kina Platon at Punzalan sapagkat ang mga ito ang "pinakasagadsagaring kontra-rebolusyonaryo sa hanay ng naghaharing uri na naging simbolo ng pang-aapi at kontra-rebolusyonaryong paniniil." Ang pagpaparusang ito ay babala sa naghaharing uri na "hindi na nila magagawa nang walang taning ang paniniil at pagsasamantala sa masang anakpawis nang hindi tinatamasa ang haplit ng rebolusyonaryong hustisya." Sumusunod ang mga inihanay ng MGC bilang batayan ng pagpaparusa kay Mayor Cesar Platon:
Ayon sa MGC, hindi humantong sa reaksyunaryong korte ang mga kasong pagpatay ni Platon sapagkat namayani sa kanyang mga inagrabyado ang takot. "Sa hukumang bayan ng rebolusyonaryong gubyerno nakasumpong ng lakas ng loob ang mga inagrabyado ni Platon na magsampa ng demanda at humingi ng katarungan," dagdag ng MGC. Ang sumusunod naman ang ilang ihinanay ng MGC bilang batayan ng pagpaparusa kay Rep. Marcial Punzalan:
Bandang 1995, sinuspinde ng MGC ang pagpapatupad ng parusang kamatayan kay Punzalan. Ito'y matapos manahimik ang huli sapul nang parusahan ng rebolusyonaryong kilusan si Mabilangan, manyutralisa ang KFI at maramdaman niya ang muling paglakas ng armadong kilusan sa Timog Katagalugan. Ihinarap lamang ng MGC kay Punzalan ang kanyang mga pagkakasala at binalaan siya tungkol sa mga ito. Subalit nitong 1998 at 1999, muling aktibong nakikoro si Punzalan sa pakanang psy-ops ng reaksyunaryong AFP. Tinangka niyang intrigahin at siraan si Kasamang Gregorio "Ka Roger" Rosal at ang mga lider ng kilusan sa rehiyon sa pamamagitan ng mga paratang na diumano'y mayroon silang mga nakatagong yaman at marangyang namumuhay. Namayagpag si Punzalan sa pagbibigay ng mga panayam sa radyo at mga nangungunang dyaryo. Bunga ng mga ito, tinapos na ng MGC ang mahabang panahon ng pagbibigay-pagkakataon kay Punzalan na talikuran ang mga kontra-rebolusyonaryong aktibidad. Tinuligsa ng MGC ang paggamit ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa mga naturang pagpaparusa bilang katwiran sa paglulunsad ng mga opensibang militar laban sa rebolusyonaryong kilusan. Sinabi ng MGC na ni saglit, hindi naman tumigil sa paglulunsad ng mga kontra-rebolusyonaryong opensibang militar ang AFP at PNP sa Timog Katagalugan at sa buong kapuluan kahit nang mapatalsik si Estrada. Ito'y sa kabila ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan at diumano'y pagsasaisantabi ni Macapagal-Arroyo sa patakarang todo-digma ni Estrada. Ayon pa sa MGC, "Sing-aga pa ng Mayo 3 (ilang araw bago ang pagpaparusa ng BHB kina Platon at Punzalan - AB), nakakuha ang MGC ng kopya ng confidential presidential instruction mula kay Macapagal-Arroyo at DND Sec. Angelo Reyes na nag-aatas para sa intensipikasyon ng mga operasyong militar para mapalakas ang pusisyon ng GRP sa negosasyong pangkapayapaan sa NDFP" at pagkaitan ang NDFP ng pagkakaton na magamit ang usapan para makapagpalakas. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|