Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bihag na sarhento, pinalaya ng BHB

 Read this article in English

PINALAYA nitong Hunyo 9 ng Ruperto Tuyac Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) si Sgt. Ramiro Lawas ng First Scout Ranger Regiment sa isang di pinangalanang baryo sa Compostela Valley. Ipinasa siya ng BHB sa mga kinatawan ng International Committee of the Red Cross (ICRC), na nagpasa naman sa kanya kina Meyor Rodrigo Duterte ng Davao City, Fr. Roberto Batawan at Sr. Annie Oser ng Diocese of Butuan City.

Si Lawas ay nasugatan at dinakip noong Abril 4, 2002 sa isang matagumpay na ambus ng BHB sa Barangay Nabunga, Boston, Davao Oriental. Halos nalipol ang buong yunit ni Lawas sa pananambang na ito ng magkasanib na pwersa ng 2nd Pulang Bagani Coy at ng Conrado Heredia Command-Front 20. Sampung sundalo ang patay at 12 ang sugatan habang walang kaswalti sa panig ng BHB. Nasamsam sa labanang ito ang walong M16, isang M203 at isang 60 mm mortar.

Sa isang panayam sa kanya ng midya, sinabi ni Lawas na ginamot ng BHB ang kanyang mga sugat at mahusay siyang tinrato habang nasa pangangalaga nila. "Hindi nila ako tinratong bihag," aniya. Idinagdag din niya na bunga ng tagal ng kanyang pakikisalamuha sa mga Pulang mandirigma, nauunawaan na niya ngayon kung bakit naglulunsad ng rebolusyon ang BHB. "Narito sila para palayain ang mamamayan mula sa pang-aapi," sabi ni Lawas.

Nagpahayag din ng paghanga si Lawas sa mapagkasamang samahan at pagkakapantay-pantay na nasaksihan niya sa BHB. Partikular niyang pinuri ang proseso ng pagpuna at pagpuna-sa-sarili. Aniya, ibang-iba talaga ang BHB sa "burgis na militar." Sinabi rin ni Lawas na maling-mali ang sinasabi ng AFP sa mga sundalo tungkol sa katangian ng BHB.

Bago pinalaya si Lawas, iniulat muna ng militar na nawawala siya at di nagtagal ay itinuring nang patay. Aniya, hindi gaanong nagpursigi ang AFP na hanapin o iligtas siya.

Ayon kay Jorge "Ka Oris" Madlos, tagapagsalita ng NDF-Mindanao, si Lawas ay pinalaya sa batayang makatao. Dagdag niya, ang pagpapalaya kay Sgt. Lawas at mahusay na pagtrato sa kanya ay patunay ng pagtalima ng BHB sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CAHRIHL), sa Geneva Conventions at iba pang pandaigdigang makataong batas.

Kabaligtaran ng makataong pagtrato kay Lawas ng BHB, apat na Pulang mandirigmang hors de combat ang sinalbeyds ng militar sa Davao Oriental. Sina Nerio Dioso, 33; Rodrigo Ungayo, 42; Ruben Tanoy, 34; at Ruby Jean Custodio, 21 ay dinakip, pinahirapan at pinatay ng 4th Special Forces Coy sa Sityo Kauswagan, San Isidro, Lupon nitong Hunyo 13.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hunyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Arroyo, kandidato ng imperyalismong US sa eleksyong 2004

Kasunduang ilibre ang US sa pag-uusig sa ICC, kinundena
Pakulo sa Mindanao:
Malakanyang nagpakulo ng panlilinlang sa pagdalaw ni Arroyo

Mga Ulat Koresponsal:
Tatlong mahahalagang aral

Mga Ulat Koresponsal:
Pakikibakang agraryo sa Isabela at Cagayan:
Interes sa pautang napababa, presyo ng mais napataas

Matagumpay na opensiba ng BHB:
9 Sundalo ng 52nd Recon Coy, patay sa kontra-opensiba ng BHB

Dean Armando Malay:
Isang patriotiko at demokratikong mamamahayag at tagapagtaguyod ng karapatang-tao

Bihag na sarhento, pinalaya ng BHB
Sa Ibayong Dagat:
Mga bulaan, ibayo nang nalalantad at itinatakwil

Sa Ibayong Dagat:
Marami pang palsipikasyon

Sa Ibayong Dagat:
Paglaban sa US, lumalawak sa Iraq at Afghanistan

Sa Ibayong Dagat:
Kasakiman ng G8 sa Africa

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.