![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ayon sa KARAPATAN, isang organisasyong nagsusulong ng karapatang-tao, umabot na sa 482 ang bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao mula Enero hanggang Hulyo. Kumpara sa naitalang 101 kaso noong 2002, tumaas nang 477% ang mga kaso ng paglabag, hindi pa man natatapos ang taon. Noong 2002, di bababa sa 1,373 ang naging biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa Southern Mindanao. Ngayong taon, umaabot sa 15,928 ang mga biktima o 1,160% pagtaas kumpara noong 2002. Karamihan sa bilang ay biktima ng food blockade (8,413) at pwersahang paglikas (4,969). Wala pa sa bilang na ito ang mga biktima ng gera laban sa MILF sa Pikit, North Cotabato at ang 191 kaso ng pananalbeyds sa Davao City sa mga hinihinalang nagtutulak at gumagamit ng droga. Mahaba rin ang listahan ng mga paglabag sa karapatang-tao sa Bikol. Sa Albay, mula Enero hanggang Abril ngayong taon, may naitalang 11 kaso na bumiktima sa 22 indibidwal at dalawang komunidad. Noong Marso, nagtala sa Camarines Sur at Camarines Norte ng 18 kaso na may biktimang 29 na indibidwal at dalawang komunidad. Sa Sorsogon, mayroon namang 23 kaso at mahigit 52 indibidwal na biktima noong Pebrero at unang linggo ng Marso. Bukod pa sa mga kasong ito ang mga paglabag sa mga baryong pinaglulunsaran ng mga operasyon ng Special Operations Team ng militar. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao na hindi pa nailalathala sa AB: Hulyo 21. Minasaker sa Sityo Talayog, Barangay San Nicolas, Magsaysay,
Hulyo 14. Marahas na binuwag ng
Hulyo 12. Ginahasa at pinatay ni Sgt. Edwin Bautista ng 54th IB ang isang 16-taong gulang na dalaga sa Talubin, Bontoc, Mountain Province. Binaril ng sundalo sa loob ng kanyang kwarto sa baraks ang biktima na ginawang utusan at sex slave ng mga sundalo sa kampo. Hulyo 1. Tinortyur bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ng militar si Hever Ybañez ng Barangay Pagsabangan, New Bataan Town, Compostela Valley. Matindi sa kasalukuyan ang militarisasyon ng 701st Infantry Brigade at ng Scout Rangers sa Barangay Pagsabangan. Ipinapataw ang food blockade at matindi ang pananakot at pananakit sa mamamayan. Isang kanyong nakatutok sa kabahayan ang inilagay sa loob ng eskwelahan. Napilitang magsilikas ang mga residente. Unang linggo ng Hulyo. Sa loob ng isang linggo, umabot sa 12 ang pinaslang sa Davao City ng Davao Death Squad (DDS). Ang DDS ay lihim na grupong vigilante na pinasimunuan ni Meyor Rodrigo Duterte ng Davao City, para isalbeyds ang pinaghihinalaang mga nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga. Matapos ianunsyo ni Arroyo ang kampanyang kontra-droga, tumaas ang bilang ng mga biktima ng DDS. Mula Enero hanggang Hulyo 16, umabot na sa 73 ang sinalbeyds nito. Hunyo 17. Dalawang oras na pinagbabaril ng 100 sundalo ang day care center, kabahayan at mga pananim sa isang komunidad ng mga Aeta sa Sityo Itanglew, Barangay San Rafael, San Marcelino, Zambales. Kinabukasan, pinaghahalughog at pinagnakawan ng mga sundalo ang mga bahay. Ininteroga ang ilang mga biktima hinggil sa kaugnayan umano ng mga ito sa BHB. Nang iulat ng pinuno ng mga Aeta ang insidente kay Meyor Lydia Rodriguez ng San Marcelino, sinabi nito na mainit lamang ang ulo ng mga sundalo kapag may operasyon. Pwersahang nirekluta sa CAFGU ang ilang mga Aeta. Naging biktima rin ng matinding militarisasyon at pang-aabuso ang 27 pang komunidad ng mga Aeta sa Central Luzon dahil sa pagsasanay-militar na Balikatan. Hunyo 7. Pinatay si Fulgencio Gabin, 70, sa Barangay Gusa, San Jose de Buan, Samar,
Hunyo. Hinaras ng militar ang mga ligal na organisasyon sa Davao City sa pamamagitan ng pagtatayo ng malaking billboard kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga militanteng organisasyon at mga lider ng mga ito na malisyosong inaakusahang mga prente ng PKP-BHB-NDFP. Nitong Hulyo 2, tinangkang tanggalin ng mga militante ang billboard subalit hinarang sila ng mga elemento ng PNP at 72nd IB na nakasakay sa isang trak at may kasama pang isang armored personnel carrier at trak ng bumbero. Mayo 24. Mag-uumaga nang nireyd ng 200 armadong sundalo at paramilitar na pinamumunuan ng isang Capt. Torres ang isang youth camp sa Davao City. Pinaggigising ng mga pasista habang tinututukan ng baril ang 84 na kabataang may edad 13-21. Pinagsisigawan sila at pinatipon habang pinaghahalughog ng mga sundalo ang kanilang mga kagamitan. Tumagal nang dalawang oras ang pananalakay. Tinangay ng mga sundalo ang limang cellphone, isang tape recorder at isang camera. Kinunan ng mga militar ng video ang mga biktima. Idinahilan ng mga sundalo na may natanggap silang ulat hinggil sa presensya ng mga armadong terorista sa youth camp. Ang naturang youth camp ay isinagawa upang matulungan ang mga batang biktima ng pang-aabuso at iba pang kapabayaan. Karamihan sa mga biktima ay mga batang lansangan, batang manggagawa at ibinugaw na mga bata. Mayo. Pinatay ng mga elemento ng CAFGU sa ilalim ng 1st IB si Abner Nario, 35 sa kanyang tahanan sa Antipolo City. Samantala, umabot sa 200 Ata-Manobo ang napilitang magsilikas
Hinaras naman ng 204th IB ang mga myembro ng national fact-finding mission (NFFM) nang pumunta ito sa Mindoro upang imbestigahan ang pagpaslang noong Abril 21 kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy, mga lider ng mga ligal na organisasyon. Dalawang iskwad ng militar ang nagbantay sa mga myembro ng NFFM. Abril 28. Binaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki si Jun Villanueva Jr., 54, brodkaster ng DZGB-AM sa Legazpi City. Bago siya pinatay, pinadalhan siya ng imbitasyon ng Philippine Army sa Ligao City upang magreport sa hedkwarters nito. Hindi sumunod si Villanueva. Abril 24. Pinatay ng militar si Leo "Ka Rey" Llarena, 23, na noo'y hors de combat, sa isang sagupaan sa pagitan ng BHB at militar sa Tastas, Ligao, Albay. Nilapastangan naman ang bangkay ng namartir na si Eddie "Ka Ted" Armenta, 18, isang Pulang mandirigma. Dalawa pang kasama ang namartir sa labanan. ![]()
|
| |||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|