Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Biguin ang Oplan Gordian Knot

 Read this article in English

Ang Oplan Gordian Knot ang bagong ipinangalan ni AFP Chief of Staff Benjamin Defensor sa plano nito sa kontra-rebolusyonaryong digma. Layunin nitong paigtingin ang digma at bitagin ang mga rebolusyonaryong pwersa sa isang labanang lantay-militar.

Nakabatay ito sa Oplan Bantay Laya na binuo ni Defense Secretary Angelo Reyes noong Hulyo 17, 2002. Wala itong pinag-iba sa dati nang mga plano liban sa direktiba ni Defensor na gamitin ang "lahat at anumang paraan" na lantarang nagtutulak ng isang digmaang walang alituntunin at malawakang pang-aabusong militar laban sa mamamayan.

Binibigyang-diin nito ang pagpapaigting ng digma, paniniktik at saywar. Bunga ng kahirapang sugpuin ang rebolusyonaryong kilusan, binibigyan nila ng diin ang "kolaborasyon, koordinasyon at konsentrasyon" ng mga pwersa nila para sa "mas malakas, mas mabilis at mas mapamuksa" na paglaban sa rebolusyonaryong kilusan.

Pinaigting na mga operasyong militar

Inilulunsad ng AFP at PNP ang mga koordinado at konsentradong operasyong militar sa Bulacan, Zambales, Pangasinan, Cagayan Valley at Northeastern Mindanao dagdag pa sa dati nang tinututukang mga larangan sa Mindoro, Bohol, Davao Oriental, Davao del Norte, Negros, Quezon, Laguna, Bicol, Leyte at Aurora.

Kaugnay nito, nagpapalakas ang AFP at PNP. Daragdagan ng di bababa sa P9 bilyon ang badyet ng AFP para sa 2003 para sa pagkuha ng karagdagang pwersa, pagpapalaki ng CAFGU, pagkuha ng karagdagang armas at iba pa. Umaasa nang malaki ang AFP sa tulong na ibinibigay ng militar ng US sa pamamagitan ng mga tipong-Balikatan na magkasanib na pagsasanay militar, pagbibigay ng "payo", pag-aarmas at aktwal na mga lihim na koordinadong operasyon ng mga tropang Amerikano at AFP.

Saywar

Esensyal na elemento ng Oplan Gordian Knot ang pagpapalakas ng kampanyang saywar na may layuning ilarawang "terorista" at "kriminal" ang PKP at BHB. Nagpapalaganap sila ng pinakamaruming propaganda na walang anumang batayan. Gusto nilang pairalin ang takot at kasuklaman ang BHB.

Dinudungisan nila ang rebolusyonaryong integridad ng BHB sa pamamagitan ng pagpapakulo ng mga isyu tulad ng "mass graves" (paghukay o dili kaya'y pagkatuklas ng mga libingan ng diumano'y mga biktima ng BHB), "pagpapataw ng kung anu-anong buwis na nagpapabigat sa masa", "pagkulekta ng tong sa hweteng dahil nagugutom na sila", "may malaking taniman ng marijuana", "utak ito sa pambobomba" at "pagpatay sa mga inosenteng sibilyan". Kahit lehitimo ang mga target ng mga taktikal na opensiba, inilalarawan ang mga ito bilang mga "akto ng terorismo".

Kaugnay nito, aktibong iniipit ng Malakanyang at AFP ang masmidya. May presyur hindi lamang sa mga istasyon ng radyo at telebisyon, kundi pati rin sa mga pahayagang nasyunal at lokal, na huwag bigyan ng oras o ispasyo ang mga tagapagsalita ng Partido, BHB at rebolusyonaryong kilusan. O dili kaya'y paliitin ang kabuluhan ng mga balitang may kaugnayan sa mga ito.

Malisyosong iniuugnay ang Bayan Muna sa rebolusyonaryong armadong kilusan upang gawin itong target ng mga operasyong militar. Takot na takot sila sa Bayan Muna dahil sa malawak na suportang tinatamasa nito mula sa mamamayan.

Nagpapalabas ang rehimen na interesado ito sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng "single peace agreement", pagpapakana ng "local peace talks" at "local peace zones" na walang ibang layunin kundi ang pasukuin ang mga rebolusyonaryong pwersa.

"Civic-action" laban sa BHB

Desperado si Macapagal-Arroyo na "agawin ang simpatya" ng mga tao, laluna sa kanayunan, mula sa rebolusyonaryong kilusan. Desperado rin siyang ilarawang sinusuportahan ng mamamayan ang kanyang anti-mamamayang mga hakbangin. Para rito, puspusang pinakikilos ng rehimen ang burukrasya mula sa pambansang ahensya hanggang sa antas barangay.

Naglulunsad ito ng mga anti-komunistang kumperensya at rali at mga pagtitipon na gumagamit sa mga upisyal ng barangay, grupong vigilante, mga asset nito sa simbahan, mga Contras, mga nagsisuko at mga police-civilian organization.

Naglulunsad rin ito ng mga pakitang-taong proyektong "sosyo-ekonomiko" upang linlangin ang mamamayan at palabasing tumutugon ang gubyerno sa mga pangangailangan ng mga tao.

Tiyak na magreresulta sa lalong paglala ng mga pang-aabuso ng militar sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas ang Oplan Gordian Knot, laluna sa panawagang isagawa ang "lahat at anumang paraan" upang wasakin ang rebolusyonaryong kilusan. Hayagang binigyan ni Defensor ng awtoridad ang kanyang mga kumander na kalimutan muna ang mga alituntunin.

Kailangang labanan at biguin ang Oplan Gordian Knot at "all-out war" sa pamamagitan ng pagsusulong ng ating gawain sa lahat ng aspeto ng rebolusyonaryong pagkilos: sa militar, kilusang masa at rebolusyong agraryo, pakikipagkaisang prente at pagpopropaganda.

May partikular na kabuluhan at kakagyatan ang pagbibigay-diin sa ating gawaing propaganda upang aktibong kontrahin ang mga kasinungalingang pinalalaganap ng rehimen. Kailangang bigyan ng pansin ang gawaing propaganda ng mga namumunong organo ng Partido at tiyaking may nauukol na makinarya at rekurso upang maging puspusan, mapamaraan at walang pagod sa paglilinaw ng ating paninindigan at paglalantad sa mga kasinungalingan ng kaaway.

Ipaliwanag sa pinakamaraming posibleng maaabot na mamamayan ang kawastuan ng rebolusyonaryong paglaban, ang kabuluhan at pakinabang na natamo ng mamamayan sa armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at pagtatayo ng demokratikong gubyernong bayan.

Kailangang ipakita na ang rebolusyonaryong kilusan, hindi ang reaksyunaryo, papet at militaristang rehimeng Macapagal-Arroyo, ang sinsero sa usapang pangkapayapaan. Ipakita na sa ilalim ng kanyang rehimen, ang usapang pangkapayapaan ay sinagkaan alinsunod sa kagustuhan ng mga militarista at imperyalismong US; at ang "single peace agreement" ay walang layuning lutasin ang ugat ng digmaang sibil kundi naghahangad lamang na ibasura ang mga dating nakamit na mga kasunduan at pasukuin ang mga rebolusyonaryong pwersa sa reaksyunaryong estado.

 


Previous articleBack to topNext article

Nobyembre 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Biguin ang balak na panumbalikin ang tuwirang paghaharing militar sa bansa!

Biguin ang Oplan Gordian Knot
Ang kontra-gerilyang digma ng
AFP at PNP

Dumaraming kaso ng pagdukot at desaparecido
Pambansang badyet sa 2003:
Badyet ng digma laban sa mamamayan

Mga kaso ng pagdukot sa anak upang sumuko ang magulang
Armadong pakikibaka, umaani ng tagumpay sa buong bansa
Bakit mabibigo ang digmang kontragerilya?
Mga tagumpay sa Pampanga, ipinagbunyi
Mga Ulat Koresponsal:
Medical at fact-finding mission sa Cagayan tagumpay; CIVAC ng AFP nilangaw

Mga Ulat Koresponsal:
Liberalisasyon sa importasyon ng gulay at bigas, pumipinsala sa mga magsasaka

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanyang kontra-gutom, bumubwelo sa Panay

Mga Ulat Koresponsal:
Ibaba ang pasahe ng sitaw, sigaw ng Bulacan

Macapagal-Arroyo:
Kaaway ng mga kawani ng gubyerno

Iskandalosong korapsyon ng mag-asawang Arroyo
William Hinton, Joan Hinton
at Erwin "Sid" Engst

Pagpupugay sa mga tunay na proletaryong internasyunalista at anti-impeyalista

Balita
Mga Pagtutuwid sa isyung
Oktubre 2002 ng Ang Bayan

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.