![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pinakatampok sa mga paglabag sa karapatang-tao nitong Nobyembre ang masaker sa mga di-armadong welgista at kanilang mga tagasuporta sa Hacienda Luisita sa Tarlac City noong Nobyembre 16. Nagimbal ang buong bansa nang marahas na buwagin ng may 1,000 militar, pulis at mga bayarang maton ng pamilyang Cojuangco ang welga ng mga manggagawa at mga tagasuporta nito sa Hacienda Luisita sa Tarlac City. Katulad ng Mendiola Massacre noong 1987, gumamit ang mga elemento ng pulisya at tatlong batalyon ng 703rd Infantry Brigade ng dalawang armored personnel carrier (APC), 10 trak ng militar, tirgas at malalakas na armas katulad ng M60 masinggan upang buwagin ang piketlayn ng United Luisita Workers Union (ULWU) at Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) na noo'y 11 araw nang nagwewelga Bunsod ng walang pakundangang pamamaril, 14 sa mga demonstrador ang kumpirmadong napatay�siyam sa kanila, sanhi ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan. Napatay sina Boy Versola; Jun David, 27, ng Barangay Cutcut; Juan Sanchez, 20, Adriano Caballero, Jesus Valdez, 30, lahat ng Barangay Balete; Jhaire Basilio, 21, ng Barangay Mapalacsiao, Tarlac City; Jaime Pastidio, ng Barangay Motrico, La Paz, Tarlac; , Jesus Laza, 34, ng Barangay Parang, Concepcion, Tarlac; at Neng Balete. Pitong bangkay pa lamang ang nakikita. Ang bangkay ng iba pa na nasaksihang pinatay ay hindi pa natatagpuan. Ayon sa mga kasapi ng ULWU at CATLU, nawawala rin ang 39 na sakada pagkatapos mangyari ang madugong dispersal. Ang nabanggit na mga sakada ay nirekluta ng tatlong kontraktor sa Visayas at Mindanao. Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan ang 111 katao. Karamihan sa kanila ay dinala sa iba't ibang pagamutan ng Tarlac City habang ang iba naman ay sa kanilang mga bahay ginagamot. Ilan sa mga nasugatan sina Florida Sibayan, Luisito Versola, Jesus Sosa, Sajid Ramos, Berto Sidora, Ricky Mendoza at isang konsehal ng barangay ng Mapalacsiao. Iligal na inaresto at ikinulong ang 111 katao�16 sa kanila sa Criminal Investigation and Detection Group-Tarlac (CIDG) habang ang karamihan ay naroon sa Camp Macabulos, San Vicente, Tarlac City. Bago ito, naitala rin ng KARAPATAN ang mga kaso ng harasment at pananakot, pagsalakay at pagbuwag ng piketlayn at pagwasak at pag-agaw ng mga ari-arian ng 78 katao kaugnay ng welga. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|