Pagtutol sa pagpasok ng mga armadong tropa ng US, lumalawak
Mabilis na lumalawak ang pagkakaisa at pagtutol ng mamamayan laban sa pagpasok ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas. | ![](../../angbayan/images/balikata.jpg) Ang panunumbalik: Armadong panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas |
Simula nitong ikalawang linggo ng Enero, sa pangunguna ng mga patriyotikong organisasyong sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan, halos araw-araw na nagdaraos ng kilos-protesta sa harap ng embahada ng US, sa Malakanyang at sa iba�t ibang lugar sa buong bansa. Kasabay nito, buong larga ang mga organisasyon ng mga manggagawa, magsasaka, estudyante, kabataan,kababaihan at iba pang mga demokratikong sektor sa paglilinaw ng mga isyu at paninindigang patriyotiko laban sa pagpasok ng mga sundalong Amerikano sa bansa.
Tulad ng inaasahan, malupit ang naging tugon ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa mga kilos protestang ito. Ginagamit nito ang mga pwersa ng pulisya at militar upang itaboy ang mga demonstrador na nagresulta sa pagkakasugat nila.
Pilit na inilalarawan ni Macapagal-Arroyo na pabor ang mamamayan sa pagpasok ng mga tropang Amerikano. Katulad ng pasistang diktadurang Marcos, desperadong ginagamit ngayon ng rehimen ang anti-komunistang pananakot at tinataguriang "komunista" ang lahat ng tumututol sa panghihimasok ng US.
Gayunman, hindi mapigilan ni Macapagal-Arroyo ang pagsiklab at muling paglaganap ng damdaming makabayan ng mamamayan. Sa buong bansa, inilulunsad ang mga porum, konsultasyon at mga pagtitipon upang hinangin ang malawak na patriyotikong nagkakaisang prente.
Ngayon pa lamang ay aktibong nag-uusap at nagtutulungan na ang iba�t ibang mga patriyotikong pwersa at personahe kabilang si dating senador Wigberto Ta�ada at Nini Quezon-Avance�a. Nagkokoordina ngayon ng mga pagkilos sa buong kapuluan simula sa araw ng pag-uumpisa ng Balikatan 02-01 na nakatakda sa Enero 31 sa kabila ng mga kontrobersya at mga protesta.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|