Panghihimasok militar ng US
Tratadong �kontra-terorismo� sa Asia, yuyurak sa soberanya
Pinangangambahan ng mga myembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) � pangunahin na, ang Indonesia at Vietnam � na gagamitin ng US ang isang tratadong �kontra-terorismo� sa pagitan nito at ng ASEAN bilang lisensya para manghimasok sa mga internal na usapin at yurakan ang soberanya ng mga bansa sa rehiyon. Dahil dito, isinasama ng mga taga-ASEAN sa tratado ang isang probisyon na rumerespeto sa mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, teritoryal na integridad at di-panghihimasok sa mga lokal na usapin ng ibang mga bansa. Iginiit ng US, sa pamamagitan ni State Sec. Colin Powell, na tanggalin ang naturang probisyon upang hindi masagkaan ang anumang balak nitong aksyong militar sa rehiyon. Dahil sa presyur, pumayag ang mga taga-ASEAN na palabnawin ang probisyon at palitan ang salitang �rumerespeto� ng �kumikilala�. Pinirmahan ang kasunduan sa pulong ng ASEAN regional forum sa Brunei nitong Agosto 1 na dinaluhan ni Powell.
Bilang ng tropang Amerikano sa bansa, lumalaki
Mananatili sa Pilipinas hanggang Oktubre ang 160 US Special Forces na kalahok sa Balikatan 02-1. Maiiwan sila sa Basilan at Sulu upang tuluy-tuloy na makapaglunsad ng mga pinagsanib na operasyong militar sa ngalan ng �pangmatagalang tulong pangseguridad� . Taliwas ito sa naunang pahayag ng mga upisyal-militar ng US na mga inhinyerong nabal (Seabees) lamang ang mananatili sa bansa upang tapusin ang nasimulang mga �proyektong konstruksyon�. Sa katunayan, tanging ang 355 Seabees na dumating noong Mayo ang umalis sa Basilan nitong Hulyo 31. Ang programa para sa �pangmatagalang tulong pangseguridad� ay isa sa mga pinagkasunduan noong pulong ng Mutual Defense Board noong Hulyo. Kaugnay nito, nakatakdang ipwesto ang may 900 pang sundalong Amerikano sa Zamboanga at Cebu. Liban sa mga tropang ito, umaabot sa 1,700 aktibong tropang Amerikano ang umaaligid sa mga dating base militar ng US sa Clark at Subic sa Central Luzon. Noong Hulyo 17-28 naman, 1,400 sundalong Amerikano ang lumahok sa CARAT 2002, isang nabal na pagsasanay na isinagawa sa Subic at Cavite.
Peace caravan, dumating sa Zamboanga City
Dumating sa Zamboanga City ang may 1,200 delegado ng Lakbay Kalinaw People�s Caravan nitong Hulyo 31. Ang people�s caravan, na pinamunuan ng BAYAN at OUT-Now, ay itinaon sa nakatakdang pagtatapos ng Balikatan 02-1. Nagsilbi rin itong rurok sa isang-linggong aktibidad na isinagawa ng Bayan Muna, International Solidarity Mission at iba pang makabayang organisasyon sa Basilan at Sulu. Nilayon ng mga demonstrador na dalhin ang kanilang protesta sa harap ng Southern Command kung saan nakabase ang mga sundalong Amerikano ngunit mahigpit itong ipinagbawal ng AFP. Iba�t ibang maruruming taktika ang ipinakana ng Southcom at iba pang reaskyurnaryong pwersa upang antalain at guluhin ang peace caravan.
Sibilyan, binaril ng Amerikanong sundalo sa Basilan
Pinaiimbestigahan ngayon ng mga representante ng Bayan Muna ang walang pakundangang pagbaril ng isang Amerikanong sundalo nitong Hulyo 24 sa isang sibilyang nagngangalang Buyong-buyong Isnijal sa Barangay Bato-bato, Tuburan, Basilan. Ayon sa mga saksi, sinalakay ng mga sundalo mula sa 18th IB ang bahay ng mga Isnijal, kasama ang tatlong Amerikano, upang arestuhin si Isnijal, na inaakusahang myembro ng Abu Sayyaf. Sa sinumpaang salaysay ni Judaira Isnijal, ang asawa niyang si Buyong-buyong ay bigla na lamang binaril ni Reggie Lane, isang sundalong Amerikano. Kinabukasan, dali-daling pinauwi sa US si Lane.
Pilit na itinatanggi ng AFP at ng embahada ng US ang pagkakasangkot ni Lane sa insidente at pinalalabas na �propaganda� lamang ito ng mga militanteng kongresista. Pinaako pa nila sa isang Pilipinong sundalo ang krimen. Dali-daling siniraan ni Macapagal-Arroyo ang mga nagsagawa ng fact-finding mission. Tinawag niya itong mga mga komunista at �tagapaglabag ng mga kara pa tang-tao� .
Isinagawa nina Rep. Satur Ocampo at Liza Masa ng Bayan Muna, kasama ang International Solidarity Mission (ISM), ang fact-finding mission kaugnay ng mga paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng Balikatan 02-1. Ang ISM ay binubuo ng mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at karapatang-tao, mambabatas, akademiko, artista at kinatawan ng mga organisasyon ng mamamayan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|