Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang kasaysayan ng pagwasak sa kagubatan ng Pilipinas

 Read this article in English

Ang malawakang pagkalbo sa kagubatan at pagsira sa kapaligiran ay malaon nang problema. Ang pagkakalbo ng Sierra Madre at iba pang kabundukan sa Pilipinas, gayundin ang pagkawasak ng mga ilog at yamang tubig ay resulta ng laganap na pagtotroso at pagmimina noon pa mang simula ng imperyalistang pandarambong at paggahasa ng US sa ating bansa.

Sa loob ng ika-20 siglo, naglaho ang 90% ng kagubatan ng Pilipinas. Mahigit 13.2 milyong ektaryang kagubatan ang nawala bunga ng pandarambong sa nakaraang 50 taon ng papet na republika. Pinakamabilis ang pagkakalbo ng kagubatan mula 1945 hanggang katapusan ng dekada 1980.

Mula dekada 1950 hanggang dekada 1980, ang pagluluwas ng troso ay napabilang sa pinakamalalakas pagkakitaan ng dolyar at pinakamalaki ring pinagmumulan ng nakaw na yaman para sa Malaca�ang at mga upisyal ng mga ahensyang pangkapaligiran. Noong 1975, ang mga kumpanya ng trosong protektado ng diktadurang Marcos ay nakapagluwal ng 15.5 milyong metro kubiko ng troso, ang pinakamalaking taunang produksyon higit kailanman. Mula 1972 hanggang 1988, aabot sa 8.57 milyong ektarya ng gubat at 3.8 milyong ektarya ng virgin forest ang nawasak.

Pagsapit ng katapusan ng dekada 1980, bumagal ang pagkakalbo ng kagubatan, sa simpleng dahilang kaunting-kaunti na lamang ang natitira sa ating kagubatan. Ang kabuuang kagubatan noon ay humigit-kumulang isang milyong ektarya na lamang. Pagdating ng 1999, nasa 800,000 ektarya na lamang ang nalalabing sinaunang kagubatan (primary forest), at dalawang katlo nito ay sira na. Nagbunsod ito ng malawakang panawagang ipagbawal ang pagtotroso at maglunsad ng mga hakbangin sa reforestation.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2004
Edisyong Pilipino


Deklarasyon ng tigil-putukan
Doble-karang pakana
Editoryal:
Labanan ang walang habas na pananalanta sa kagubatan at kapaligiran

Ang DENR at ang pagtotroso
Ang kasaysayan ng pagwasak sa kagubatan ng Pilipinas
Mga pakikibaka laban sa pagtotroso
Ang rebolusyonaryong kilusan laban sa pagtotroso
Trahedya sa Aurora
Kilusang masa laban sa pagtotroso sa Aurora
Mining Act of 1995:
Salot sa mamamayang Pilipino

Matatagumpay na opensiba ng BHB
Sunud-sunod na opensiba sa Central Luzon

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.