![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Buhawi ang inaani ngayon ng US mula sa masamang hangin na itinanim nito sa Iraq at Afghanistan. Sa halip na makamtan ang istabilidad at seguridad para sa mga interes nito, nahaharap ngayon ang US sa lumalawak na galit at paglaban ng mamamayan mula nang sakupin nito ang dalawang bansa. Sa Iraq. Umiigting ang paglaban ng mga Iraqi sa mga tropang Amerikanong umookupa ngayon sa kanilang bansa. Hindi kagalakan kundi malawakan at matinding galit ang nadarama nila sa pagsalakay at pagsakop ng US sa Iraq, bagay na kumitil na sa buhay ng mahigit 7,000 sibilyang Iraqi. Ayon sa mga di kumpletong ulat, mahigit 40 nang tropa ng US ang namamatay mula noong Mayo sa paglaban ng mga Iraqi sa mga pwersang mananakop. Nitong unang tatlong linggo pa lamang ng Hunyo, 13 sundalong Amerikano ang namatay at ilampu ang nasugatan. Pangkaraniwang pangyayari na ang pagpapaputok sa mga convoy ng US sa mga lugar sa paligid ng Baghdad tuwing gabi. Koordinado at
Dahil sa di inaasahang tindi ng paglaban ng mamamayang Iraqi, sunud-sunod na operasyong militar ang inilulunsad ng US laban sa kanila. Di bababa sa 27 Iraqi ang napatay sa isang operasyong militar noong Hunyo 12, kabilang ang limang magsasaka na walang patumanggang pinaputukan ng mga sundalong Amerikano sa kanilang pastuhan. Para ngayong mga bulag na tumitira sa di nakikitang kaaway ang US. Inilunsad noong Hunyo 7 ang Operation Peninsula Strike kung saan mahigit 370 katao ang inaresto. Nitong Hunyo 15 naman, inilunsad ang Operation Desert Scorpion kung saan halos 400 katao ang dinakip sa 47 reyd na isinagawa ng mga sundalong Amerikano sa Tikrit, Kirkuk at Baghdad. Marami sa mga inaresto ay mga inosenteng sibilyan, bagay na lalong ikinagagalit ng mga Iraqi. Tanda ng palabang aktitud sa US ng mga Iraqi, halos walang tumugon sa dalawang-linggong palugit na ibinigay ng US para isuko ng mga Iraqi ang hawak nilang mga armas. Tinataya ngayong aabot sa 200,000 tropa ang kakailanganin para imantine ang okupasyon, mula sa bilang na 160,000 sundalong Amerikano at British na nasa Iraq ngayon. Sa Afghanistan. Tuluy-tuloy na hindi mapanatag ang mga pwersa ng US sa kanilang okupasyon sa Afghanistan sa kabila ng mahigit isa't kalahating taon na nilang pagsakop at pagpupwesto rito ng isang papet na rehimen. Bukod sa mga rali laban sa pang-aabuso ng mga tropang okupasyon ng US sa mga sibilyan, patuloy ang mga armadong atake kapwa sa mga sundalong Amerikano at mga pwersa ng papet na rehimeng Karzai. Nitong Hunyo 3, sinalakay ng mahigit 100 gerilyang Afghan ang mga pwersang milisya ng gubyernong Karzai sa prubinsya ng Kandahar, malapit sa hangganan ng Afghanistan at Pakistan. Nagpatuloy ang labanan hanggang kinabukasan. Ayon sa mga ulat, siyam na papet na pwersa ang namatay at anim ang nasugatan sa pag-atakeng ito. Ito na ang pinakamalaking pagsalakay sa mga pwersa ng gubyerno mula noong Abril, kung saan 28 umanong pwersa ng Taliban ang namatay sa labanan sa prubinsya rin ng Kandahar. Matindi ang ganting-salakay ng papet na gubyernong Karzai. Sa labanan noong Hunyo 3-4, kabilang sa sinasabing 40 gerilyang Taliban na namatay ay mga sibilyan na pinagpapatay ng pwersa ng gubyerno nang umatras ang Taliban sa kanilang lugar. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|