Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Tumitindi ang panunupil sa pamamahayag

 Read this article in English

Isa sa pinakamapanganib na lugar sa buong mundo ang Pilipinas para sa mga kagawad ng midya. Nitong Setyembre 6, nanguna ang Pilipinas (kasama ang Colombia) sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming napaslang na mamamahayag ngayong taon nang patayin si Juan �Jun� Pala, isang brodkaster na dating isa sa pinakamasugid na anti-komunista at isa sa mga lider ng paramilitar na Alsa Masa. Nahikayat siyang magbago at mariin na siyang bumabatikos sa vigilantismo.

Pinasisinungalingan nito ang bukambibig ng mga bulag o nagbubulag-bulagan na ang Pilipinas umano�y isa sa may pinakamalayang midya sa Asia, kasabay din ng kanilang kasinungalingang ang Pilipinas ang pinakademokratikong bayan dito. Ang anim nang napapatay na mamamahayag sa bansa ngayong taon ay ilan lamang sa 49 na tagamidya na pinaslang mula 1986. Labintatlo sa kanila ay pinatay sa panahon ng rehimeng Arroyo. Biktima sila ng militar, pulisya, private army ng mga pasista at tiwaling pulitiko, mga sindikatong kriminal at mga vigilante.

Hanggang ngayon ay wala ni isa sa mga kasong pagpatay na ito ang nabigyan ng katarungan. Nagpapakita ito ng kawalang-interes ng reaksyunaryong gubyerno na lutasin ang naturang mga krimen at pawiin ang panunupil sa midya.

Noong Enero, nagpahayag ng pagkabahala ang Amnesty International (AI) sa nagaganap na paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag sa bansa. Sa partikular, nanawagan ang AI sa rehimeng Arroyo na imbestigahan ang pagpatay kina Benjaline Hernandez, Edgar Damalerio at Sonny Alcantara at huwag gipitin ang mga kamag-anak, kaibigan at testigong nais tumulong sa paglutas sa kanilang mga kaso.

Ang panunupil sa midya ay malaon nang instrumento ng naghaharing reaksyunaryong estado at sistema para ipagkait sa mga mamamahayag ang karapatang isiwalat at batikusin ang mga kasamaang nangyayari sa bayan at ipagkait din sa mamamayan ang karapatang malaman ang katotohanan. Batid ng estado at ng mga pasista na kapag namulat ang mamamayan sa katotohanan, ito ang unang hakbang tungo sa paglulunsad nila ng mga mapagpasyang aksyon para sa pagbabago.

Tampok na paraan ng panggigipit sa midya ang pagsasampa ng kasong libelo sa sinumang reporter at patnugot na nagsisiwalat ng katiwalian, panunuba, karahasan at iba pang kabulukan. Kamakailan lang, walong tagamidya ang kinasuhan ng libelo ni Luis �Cito� Lorenzo, kalihim ng Department of Agriculture (DA) at kaibigan ng may-ari ng Tagum Development Co. (TADECO), dahil sa paglalabas nila ng serye ng mga artikulo noong 2000 laban sa mapaminsalang epekto ng pestisidyong ginagamit ng kumpanya. Dati nang ibinasura ng korte ang kasong isinampa ng TADECO laban sa mga mamamahayag subalit ngayong taon ay ginamit ni Lorenzo ang kanyang pusisyon bilang kalihim ng DA para muling buhayin ang kaso.

Naipasara na rin ang isang istasyon ng radyo na bantog sa pagbatikos sa tiwali at mapaniil na mga upisyal. Noong Pebrero 2002, ipinasara ng dinastiyang Dy ang Bombo-Radyo sa Cauayan, Isabela dahil sa tuluy-tuloy nitong paglalantad at pagtutol sa mga anti-mamamayang proyekto ng mga Dy. Mas masahol pa ang naganap nitong Hulyo 1 sa Baggao, Cagayan nang pinagtataga ng mga elemento ng 41st IB ang tatlong lider-magsasaka na kagagaling lamang sa groundbreaking ng isang radyong pangkomunidad na pangangasiwaan ng CAGUIMONGAN, isang progresibong alyansang magsasaka sa prubinsya.

May espesyal na diin ang militar at pulisya sa panggigipit sa mga tagamidyang nagbabalita ng mga pahayag ng mga kalaban ng estado sa layuning pagkaitan ng puwang ang mga ito na makapaglabas ng palagay sa mahahalagang isyu. Isa sa pinakahuling kaso ng harasment ang pagbubunganga at pagbabanta ni Gloria Arroyo kay Tina Panganiban-Perez, reporter ng Channel 7, dahil sa pag-interbyu niya kay Sen. Gregorio Honasan, na pinararatangang utak ng bigong kudeta noong Hulyo 27.

Muling nalantad sa mga kasong ito ang masinsing pagmamanman ng pulisya at militar sa lahat ng mamamahayag na pinagsususpetsahang may ugnay sa mga kaaway ng estado. Inamin ito mismo ni Hermogenes Ebdane Jr., hepe ng pulisya. Nang igiit ng mga tagamidya ang karapatan nilang malaman kung sinu-sino sa kanila ang ipinaiilalim sa surbeylans, animo�y nangungutyang isinagot ni Ebdane na �Tanungin n�yo ang sarili, may kontak ba kayo sa mga rebeldeng New People�s Army?�

Tiyak na titindi pa ang mga kaso ng harasment at pamamaslang sa mga mamamahayag habang desperadong nagpupumilit ang naghaharing sistemang makaahon sa krisis at ipreserba ang sarili. Kailangang militante at organisadong harapin ito ng midya.

Dahil ang pagsupil sa midya ay salamin lamang ng mas malawakang panunupil ng reaksyunaryong estado at sistema sa nakikibakang mamamayan, kailangang iugnay ng mga mamamahayag ang kanilang pakikibaka sa pakikibaka ng nakararaming mamamayang pinagkakaitan ng kanilang mga pampulitika at pang-ekonomyang karapatan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Setyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Palakasin ang kilusang protesta laban sa korapsyon at rehimeng US-Arroyo

Ang mga haharapin ni Macapagal-Arroyo bago ang eleksyong 2004
GMA: Desperadong kumakapit sa poder
Tumitindi ang panunupil sa pamamahayag
Tumitinding panunupil:
Humahabang listahan ng mga biktima

Paikut-ikot
Ka Amado V. Hernandez:
Komunista, lider manggagawa, makata, nobelista at peryodista

Sa Ibayong Dagat:
Pulong ng WTO sa Cancun, bagsak

Sa Ibayong Dagat:
Mga protesta laban sa adyenda sa Cancun, tagumpay

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Tampok na mga opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.