![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Oktubre 15, Albay: Isang elemento ng CAFGU ang napatay at nasugatan ang dalawang sarhento at isa pang CAFGU nang magkasagupa ang mga nagpapatrulyang tropa ng 201st Bde at BHB sa Barangay Danao, Polangui. Oktubre 14, Isabela: Isang sarhento ng 21st IB ang namatay at isa ang nasugatan nang tambangan sila ng BHB sa Barangay Mabayyad sa hangganan ng mga bayan ng Jones, San Agustin at Echague. Oktubre 13, Camarines Norte: Nireyd ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang munisipyo ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte. Bandang alas 9:45 ng gabi nang sumalakay ang mga Pulang mandirigma. Dalawang pulis ang nasugatan sa labanan. Nasunog din ang dyip ng PNP nang paputukan ito ng grenade launcher. Oktubre 10, Occidental Mindoro. Dalawang tropa ng 408th PNP Provincial Mobile Group ang napatay at dalawa pa ang nasugatan nang pasabugan ng bomba ang kanilang sinasakyang dyip sa Sityo Kadilawan, Barangay San Vicente, Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Oktubre 4, Laguna. Apat na tropa ng 1st IB ng Philippine Army ang napatay nang makasagupa ang isang iskwad ng BHB sa Sapang Bomba sa hangganan ng Cavinti, Laguna at Mauban, Quezon. Ginagalugad ng isang platun ng militar ang masukal na bahagi ng hangganan ng Laguna at Quezon nang mamataan sila ng mga Pulang mandirigma. Kaagad silang pinaputukan ng BHB. Apat ang napatay at marami pang sundalo ang nasugatan. Itinago ng reaksyunaryong militar ang engkwentrong ito, at sa halip, ipinagyayabang ni Col. Daniel Lucero, tagapagsalita ng AFP, na nakaagaw sila ng isang kampo ng BHB sa Barangay Calminaue, Cavinti, Laguna. Ngunit nasaksihan mismo ng mga taong nakatira sa paligid ng lawa ng Caliraya, na malapit sa lugar ng engkwentro, nang dalhin ng isang helikopter ang mga patay at sugatang sundalo sa hedkwarters ng 1st IB sa Kanlurang Talaungan, Cavinti. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|