Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kautusan para sa pagpapalaya sa bihag ng digma, pinawalambisa ng NDFP

 Read this article in English

Ang kautusan ng NDFP para sa pagpapalaya kay P/Chief Insp. Abelardo Martin, bihag ng digma ng Bagong Hukbong Bayan ay napawalambisa noong Mayo 16. Ito ay dahil patuloy tumatanggi si Estrada na mag-utos ng suspension of offensive military operations (SOMO) sa ilang lugar sa Timog Katagalugan sa loob ng takdang panahon. Ang pagpapatupad ng SOMO ay isa sa mga isinasaad ng Memorandum ng Pag-uunawaan sa pagitan ng NDFP at ng Humanitarian and Peace Mission na pinamunuan ni Sen. Loren Legarda.

Patuloy na isinasaisantabi ni Estrada ang mga apila ng nasabing grupo. Lantad ang kawalan ng malasakit ng kampo ni Estrada sa kapakanan ng sarili nitong mga kawal, at patuloy na isinasapanganib ng rehimen ang kanyang mga nabihag na tauhan sa pamamagitan ng todo-largang operasyong militar sa Timog Katagalugan na tinambakan ng 15 batalyon ng AFP at PNP.

Inaresto si Martin noong Nobyembre 3, 1999 sa Dolores Quezon. Napatunayang siya�y walang mabigat na pagkakasala sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Inendorso na ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noon pang Pebrero 11 ang pagpapalaya sa kanya.

Si Martin ay nasa pangangalaga ng Melito Glor Command (Panrehiyong Kumand sa Timog Katagalugan) ng BHB bilang bihag ng digma.

 


Previous articleBack to topNext article

06 Mayo 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang digmang anti-Moro ng rehimeng US-Estrada!

Bangis ng digmang anti-Moro
Paglulustay ng rekurso sa digmang anti-Moro
Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas
Panayam kay Ka Roger

Todo-todong pagsasakatuparan ng mga imperyalistang dikta sa ekonomya
Gula-gulanit na lambat pangkaligtasan
Sa kilusang manggagawa
Umiigting na mga pakikibakang masa

Lumulubhang pang-aapi at panunupil sa kabataan estudyante
Mensahe ni Ka Roger para kay Jenina Buan
Kautusan para sa pagpapalaya sa bihag ng digma, pinawalambisa ng NDFP
Patuloy na istagnasyon ng ekonomya ng Japan
Balita
Mga pakikibakang masa sa Timog Katagalugan, sumusulong

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.